MOTB 31

49.3K 2.3K 944
                                    

#MOTB31

Venturi did not stop, kung hindi pambababae ang ginagawa niya ay madalas namang nawawala sa bahay ng ilang araw. Akala ko ay magbabago na siya kung sa Mama niya kami mananatili kaya ganoon ang naisipan ko, we moved to Greece the same month near Auntie Celine's house. Venturi's part in their land there.

Sobrang napupuno na ako sa kanya, hindi lang ako nagsasalita pero sa loob ang kumukulo kong dugo at sakit. Hindi na ako magmaang-maangan pa. Alam ko kung anong nararamdaman ko kay Venturi, nasasaktan ako sa lahat ng ginagawa niya pero sumusubok pa rin akong maayos ko siya dahil gusto ko nang magsettle kaming dalawa. Iyong wala siyang ganitong gawain para makabuo ako ulit ng tiwala.

He just went home, 3 AM na at hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa paghihintay sa kanya. Nasa counter table lang ako at doon nagkakape habang nagbabasa ng libro na hindi ko maintindihan kung anong istorya ang nakapaikot.

"Venturi." tawag ko sa kanya. "Mag-usap nga tayo nang magkalinawan na."

Prente niyang tinanggal ang leather jacket na suot at hinagis lamang sa sofa bago alisin ang shirt, nagtaas siya ng kilay. Uminit ang mga mata ko nang makita ang ilang kiss mark niya sa leeg at katawan, I took my steps towards him. I stood up in front of him and sucked a deep breath as I lifted my hand to slap him hard, walang reaksyon ang mukha ko kundi nakakunot lamang na mga kilay habang hinahampas siya sa dibdib at tinutulak pero nanatili lang siya sa kinatatayuan.

His face remained calm but eyes were troubled.

"Why are you doing this?" malamig kong tanong at mabilis na naglandas ang mga luha pababa sa aking pisngi. "Stop hurting me, Venturi. Please, kung ayaw mo na. Sabihin mo, huwag mo akong gaguhin ng harapan."

"Ayaw ko na." he said simply.

That broke me, I was stunned for a moment while looking at his chest part where my name was inked. How could he say that when my name was clearly tattooed in his skin? Nagyuko ako ng ulo saglit at suminghap habang pigil ang hikbing kumawala, nang angatan ko siya ng tingin ay nakita ko ang pait sa kanyang mga mata na agad ding nawala bago umiwas ng tingin.

"T-Talaga?"

His chest heaved up, ilang saglit pa ay kumibot ang labi niya kasabay ng pagkunot ng noo at matalim na tumingin sa akin.

"Just fucking go back to your first love, Embry. You can love him again now."

Namilog ang mga mata ko.

"W-What?" my heart wrenched, guilty at the same time.

Rekta always has a part in me, but Venturi is my present time... I learned to love him, too. At kung sakaling may papalit sa kanya ay ganoon din ang magiging lagay, mayroon na rin siyang parte sa puso ko na hindi mawawala. Love is not just loving and forgetting after the pain, love is like a tattoo in our hearts. It was leaving mark, scar and a memory but it doesn't mean that it will go with the same flow of another chapter you'll flip next.

Bahaw na natawa siya. "Come on, stop fooling me. Bumalik ka sa Pilipinas at kitain ang una mong minahal, hahayaan naman kita. I know everything, you can't love me back because you're stuck."

I gasped out and slapped him hard again with a hit on his chest. I pushed him violently in anger and frustration I'm feeling.

"Bobo ka pala, kung ganoon. Who the fuck told you that? Kanino mo narinig?" pagalit kong sinabi. "Iyan ba ang dahilan kung bakit nakikipag sex ka sa ibang babae at harapan pa ang pagpapalagay mo ng mga tanginang kissmark na 'yan?"

This fucking stupid brainless man! Iyon ba ang dahilan niya!? Baka kahit iharap ko si Rekta ngayon sa kanya ay siya ang pipiliin ko dahil siya ang mayroon ako ngayon, siya ang kasalukuyan ko at siya ang pinakasalan ko!

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon