MOTB 36

53.3K 2.1K 864
                                    

#MOTB36

Sunday that month, Venturi arrived in the Philippines. Ang sabi niya ay isa hanggang dalawang linggo lang siyang magtatagal dito dahil maraming inaasikaso sa Barcelona at Greece kaya naman wala akong ibang plano kundi ang mayaya siyang mamasyal kung saan maiisipan. Sa pang-unang araw niya ay nanatili kami sa villa ni Abuela Emma. Pahinga lang muna siya dahil pagod pa sa biyahe.

"Where do you want to go here? Any idea?" I asked while straddling him, I clung my arms around his nape.

We're planning to visit Zio. Naalala ko pa na sinuntok siya ni Zio bago siya umuwi ng Pilipinas at doon naaksidente, my heart ached remembering it. Nag argumento pa kami noon at nagsisi ako na nasabihan ko pa siya ng kung anu-ano.

"I wanna meet your first love."

Napatigil ako ng tingin sa kanya, hindi ko alam ang dapat maramdaman doon pero nakaramdam ako ng kakaibang kaba na hindi maintindihan kung saan nagmula.

"W-What?"

He smirked while looking at me, his hair is now undercut shaved sides. Maikli na rin ang ibabaw noon na magulo lamang kung saan dalhin ng hangin o kilos niya, nagtaas siya ng kilay sa akin at pinilig ang ulo.

"What? I wanna be friends with him. Kaibigan din naman siya ni Zio, 'di ba? There's nothing wrong with it."

"I don't think it's all right." umiling ako.

"Why? He hasn't moved on yet?"

Suminghap ako at umiwas ng tingin, hindi ko magawang sagutin iyon dahil miski ako ay hindi alam kung ano nga ba ang nararamdaman ni Rekta dahil duwag akong makita siyang nasasaktan sa personal. We just had our closure through phone call, I wouldn't know what he really felt.

He chuckled lightly and pulled my nape to kiss my cheek twice. "Kidding. Maybe we can do that some other time, I just really want to know what he looks like or what kind of person he is. Hindi mo kasi sinasabi ang pangalan, ano bang pangalan?"

"Rekta." I muttered purely.

Hindi ko alam kung bakit gusto niyang ma-meet si Rekta, hindi naman iyon kailangan mangyari dahil ayaw ko nang magkasakitan pa ulit kami. Although, I'm positive that if ever I ask for it. He will never say no even it'd hurt him, I know him too well.

He ridiculed a chuckle. "What? He got a weird name, huh?"

"Short term of Reion Constantine." I smiled.

Weirdo rin iyon noon sa akin pero bagay naman sa kanya ang kakaibang pangalan.

"Ang angas pala ng pangalan." he lauded. "Is he a bad boy, too?"

Hinawakan ko ang kanyang mga panga at hinaplos, I shrugged my shoulders.

"N-Noong una, medyo lang." naalala ko pa iyong mga araw na magkaibigan lang kami, palagi ko siyang nakikitang may mga hickeys at kung minsan ay may sugat naman ang mga kamao. He was a mixture of bad boy and play boy.

He just smirked while looking at me, hindi ko iniwasan ng tingin ang mga mata niya kahit napapaso ako roon. I don't know what's going on with my head, there's always a guilt of something I couldn't certainly tell especially right after the phone call with Rekta. Pagtapos din noon ay hindi na ako nakatanggap ng text sa kanya o kahit ano, nabanggit na nabisita siya ulit sa ospital nitong nakaraan pero hindi ko na kailanman naabutan.

I don't know if he's angry or what but it makes me feel always guilty for closing it through a call only.

Nagtanggal si Venturi ng shirt niya at nilapag lamang iyon sa armrest ng sofang inuupuan namin sa guestroom, gawain niya talaga iyon parati kahit sa bahay namin. Mas gusto niyang topless dahil hindi siya lamigin sa panahon, humawak ako sa dibdib niya at nginusuan siya.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon