MOTB 17

51K 2.6K 463
                                    

Double

#MOTB17

Dumaan ang mga araw at nanatiling wala sa sarili si Mommy, ganunpaman ay nanatili siyang naglulunod ng sarili sa trabaho. Madalas siyang nasa kuwarto, si Daddy ay gabing-gabi umuuwi kapag tulog na ang lahat at sa guest room natutulog. Everyday was painful to me, hindi na kami nakukumpleto sa hapagkainan at tuwing nakukumpleto ay may pagtatalo namang nagaganap.

Hinahanap ko iyon, hindi ako nasanay na hindi kami kumpleto sa hapunan dahil iyon na ang kinagisnan kong routine habang lumalaki.

"Pinuntahan ko ang bahay ng babae mo,"

Daddy gasped and glanced at me and Statice, matalim siyang nagbaling kay Mommy. She looks so formal and emotionless while slicing her steak on the plate.

"Hindi rito pag-uusapan iyan, Izabeth."

"Gusto ko rito, huwag mo akong manduhan. Gusto kong marinig ng mga anak mo kung paano mo sila pinagtaksilan." she said frigidly and looked at Statice.

Statice stayed cold, medyo gulat si Mommy na wala itong reaksyon. Daddy looked frustrated, he wiped his lips with table napkin and put down his utensils.

"Ganito ba talaga ang gusto mo? Sinabi ko sayong aayusin ko pero inunahan mo ako, hindi ba? Izabeth, all my life I've been following your rules and wants—"

"Huwag mong isumbat sa akin iyan, Amadeo. Ikaw ang namili ng buhay na mayroon ka ngayon at pinagtaksilan mo ang pamilya! Wala ka talagang hiya!" mariing sigaw ni Mommy.

Napatalon ako sa upuan ko nang hawiin ni Mommy ang plato niya at nabasag iyon sa sahig. Nangilid ang mga luha ko sa takot, tinakpan ko ang mga tainga ko nang muling hawiin ni Mommy ang baso at nakakabinging iyak ang narinig ko kasabay ng pagkabasag ng mga gamit ay pagkabasag ng kanyang puso.

Daddy stood up and held her arm, he dragged her up.

"Statice, clean the mess. We'll just talk about this privately." si Daddy na mukhang problemado, hila-hila si Mommy.

My heart wrenched while listening and watching them like breaking themselves in front of us.

Nagwala si Mommy, she's wearing a black formal dress tonight and my nape shuddered down in nervous while looking at her. Mommy looked so stressed and in pain, hindi siya madalas magsuot ng itim dahil ang kulay ng mga damit niya ay puti o 'di kayang pula lamang na iba-ibang istilo. It's making me sad seeing her like this.

She wriggles and shouts. "You see your father!? This is the example of shame! He's a big disappointment in the family! He had a child to another woman, not a Zobel or Azcon! While I was carrying Statice—"

"Shut up!" sigaw ni Daddy sabay hila ulit.

Sinampal siya ni Mommy, agad kong nakita ang daplis ng galos sa kanyang pisngi dahil sa matulis na kuko.

"You shut up! Ayaw mong marinig nila ang baho mo, Amadeo? Wala kang kuwentang ama!"

"Our children shouldn't hear about this!"

"Ha!" she huffed. "Ang kapal ng mukha mo! They deserve to know their father's bad reputation!"

Kumurap-kurap ako at doon bumagsak ang mga luha ko, nakita ko ang tahimik na pagluha ni Statice pero prente pa ring nakaupo at nakatitig sa kanyang pinggan. Marahas na hinila ni Daddy si Mommy, humagulgol siya at pinaghahampas si Daddy hanggang sa mawala sila sa aming paningin. Palahaw ng iyak ni Mommy ang nanatili sa aking tainga, it was painful to hear. Kahit nawala na sila ay napatakip ako sa aking tainga, pinkit ko ang mga mata at iniling nang iniling ang aking ulo upang walain ang lahat ng narinig ko dahil hindi maganda ang dulot sa aking isipan.

Veiled Diaries #2: Mask of The BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon