Chapter 11

38.4K 1.3K 145
                                    


Chapter 11
Sasama

Inagahan ko ang aking pag gising para makaiwas sa dapat iwasan. Kagabi halos hindi ako makatulog sa kuwarto. Hinatid ako doon ni Manuel. Ngayon ang problema ko kung paano silang dalawa iwasan.

This is so hard. Eto na iyong ayoko.. Walang kompirmasyon ang sa amin ni Manuel. He's engaged. Dapat ko siyang iwasan. Ezekiel is playboy. Noon pa man iniiwasan ko na siya dahil ako mismo kita ko kung paano siya maglaro sa feelings ng mga babae niya.

Natapos na nga ang bakasyon nila sa Manila at eto na sila ulit.

Mamasa masa pa ang buhok ko ng umalis ako ng mansyon. Gusto akong ihatid ng driver pero hindi ko na iyon pinaunlakan.

"Kung may maitutulong lang sana ako saiyo Aurora. Baka rin sa second semester hihinto muna ako dahil pupunta kaming Manila."

"Ha? Bakit naman?" sabi ko dito at nilapag ang librong hawak.

"Magtatrabaho muna kami doon ni Ate. Mahirap dito.Alam mo naman na walang lalaki sa amin. Wala kaming alam tungkol sa hacienda kaya wala talaga kaming peperahin dito."

"Mamimiss ka namin Maribel." Si Princess naman na halata ang lungkot. Ilang taon na din silang magkaibigan.

Nagpasalamat ako na hindi ako naabutan ng magkapatid kanina. Hindi ko maimagine na baka sabay sila magising.

Binabad ko ang sarili sa eskwelahan at mga activities. May binigay rin na thesis sa amin na grupo naming gagawin. Siyempre ka miyembro ko sila ni Maribel at Princes.

Alas kwatro na ako lumabas ng skwelahan. Inabala ko ang sarili ko doon na magwalis at makipag kwentuhan sa ibang guro. Inabala ko ang sarili ko dahil alam ko na sa oras na bumalik ako sa mansyon ay maaalala ko na naman kung gaano ako ka ulilang lubos.

Huminga ako ng malalim at palabas na ng gate ng matamaan ang isang kotseng pamilyar.

Napahinto rin sila ni Maribel at Princes sa gilid ko. Tila nahipnotismo ako ng kanyang mata. Napalunok ng dahan dahan at umiwas.

"Sinusundo ka?" Hindi makapaniwalang sabi ni Maribel.

Kumurap ako.

"O-Oo. Kasi may kailangan. O sige na! Mauna na ako.Bye!" Bago pa sila may masabi lumapit na ako kay Manuel na prenteng nakaupo sa nguso ng kanyang sasakyan.

Habang papalapit ang siyang paghagod nitong tingin sa aking uniporme. May slit iyon sa gilid na kulay dark blue na palda. Hanggang tuhod iyon.

Tahimik lang siya at mukhang galit pa sakin. Binuksan ang pinto at agad akong pumasok doon na walang imik.

Nagpapaligsahan ang paru paro ko sa tiyan at ang kalabog ng aking puso.

He locked my seat belt. "Ang aga mong umalis?" tanong nito.

"Hindi mo naman ako kasi dapat ihatid."

Tinignan ako nito at binalik ang tingin sa harap. Mahina ang pag andar ng kotse kayan kitang kita ko ang papalubog na araw. Ang mga kahoy at palayan.

"Ihahatid kita walang masama doon."

"Paano hindi masama e may fiancee ka? Sige nga sagutin mo." Walang galit sa boses ko pero totoo yung sinabi ko.

Natahimik siya at nakita ko kung paano dumilim ang kanyang mukha. "Pinagkasundo kami pero hindi kami ikakasal."

"Alam ba niya?" tanong ko.

"Are you jealous Aurora?" Umangat ang sulok ng labi nito kaya napaiwas ako.

"I'm not jealous. Alam mo kasi hindi ako palaman para maipit sa ganyang bagay. You kiss me if you want. Kung maka asta ka parang tayo Manuel. Tayo ba?" mapait akong ngumisi.

Summer NightsWhere stories live. Discover now