Chapter 19

31.2K 1.1K 58
                                    

Chapter 19
Lumugar

Tuwing umaga nararamdaman ko ang kalungkutan sa mansyon na ito. Madalang kong makita si Don Juanito. Iniiwasan ko rin magkrus ang landas namin ni Ezekiel. Pero ngayon mukhang hindi ko sila maiiwasan. Nanatili akong tahimik at hindi umimik. Parang wala akong karapatan magsalita. Parang hindi ko dapat iparamdam ang presensya ko sa mansyon na ito.

I am the reason why Donya Patricia died. Nasa harapan ko siya mismo ng patayin siya at wala akong nagawa. Hanggang ngayon inuusig ako ng konsensya ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak habang katawagan ko si Manuel sa cellphone, 'ramdam ko rin ang paghihirap sa boses ni Manuel.

"Kung puwede lang buhay niya ang ipalit ko sa buhay ni mama Aurora..kung puwede lang." Huling narinig ko na sinabi sa akin ni Manuel. Nakatulogan ko na ang aming pag uusap.

Apat na araw nang wala si Manuel. Naiintindihan ko dahil si Don Juanito ay piniling magpahinga dito sa mansyon. Alam kong ayaw nito iwan ang presensya ni Donya Patricia. Kaya si Manuel ang nagpapalakad sa lahat nang kanilang negosyo maging ang kompanya.

Nasa hapag kainan kami hindi ko magawa silang tingnan. Si Don Juanito nasa aking gilid at kaharap namin si Ezekiel at ang babaeng nakita ko sa cellphone niya. Ilang araw narin dito ang babaeng bata na ito.

Maganda ang batang ito. Bata pa ang mukha pero ang katawan ay dalagang dalaga na. Tahimik lamang siya at kumikinang ang mata sa tuwing nakatingin kay Ezekiel.

Nang tiningnan ko si Ezekiel nasa akin pala ang mga mata nito.

Umiwas agad ako at napainom sa tubig. Hindi siya dapat ganyan nasa tabi niya ang kanyang kasintahan.

Unang binasag ni Don Juanito ang katahimikan. "Hijo kamusta ang pakikipagkasosyo sa pamilya Condez?"

Tahimik akong kumakain at nakikinig lamang sa kanilang usapan.

I miss Manuel. His kisses and his touch. I've been longing for his embrace and warm touch.

"Aurora?"

"Aurora. "

Napapitlag ako ng ilang beses kong marinig ang aking pangalan. Hindi ko na pala napansin ang pagtawag sa akin ni Don Juanito dahil masyado nang okupado ang aking isipan.

"P-Po?" Napakurapkurap nalang ako at napatingin kay Zeke.

Nasa akin ang tingin nito at nakakunot noo.

"Tinatanong kita kung kailangan mo na ba ulit magpacheck up?"

Oo nga pala. Kailangan ko pala ulit magpa check ngayong buwan. Kung nandito sana si Manuel siya sana ang kasama ko.

"Bukas po ako magpapacheck up ulit."

"Anong klaseng isip meron si Manuel at hindi inuwian dito para sa check up ang magiging asawa niya? If I were him. . ." Umigting ang bagang niya "Hindi ko iiwan si Aurora. Saan man ako pupunta dadalhin ko siya."

"Ezekiel." banta ni Don Juanito.

Ano ang iniisip ni Zeke? Nasa tabi niya ang kasintahan niya! He's so rude!

Napalunok ako nang makita kong yumuko si Catalena at hindi maka angat ng tingin.

Matalim kong tinapunan ng tingin si Zeke. At hindi ako nagkakamali nang biglang umalis si Catalena at tumakbo.

"Pinaiyak mo ang nobya mo Zeke!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Huminga ito ng malalim at sumimsim sa tubig. Tila wala itong pakealam.

"Ezekiel , Catalena is your soon to be wife and she's pregnant for damn sake!"

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Naaalala ko pa ang mga panahon nang nakunan si Chloe ng dahil sakin. Hanggang ngayon nakokonsensya parin ako at nakokonsensya parin ako sa pagkamatay ni Donya Patricia. Hindi ko na ulit uulitin ito.

Summer NightsWhere stories live. Discover now