Chapter 16

34.6K 1.1K 92
                                    

Chapter 16
Demonic Laugh

I am silent the whole time. Pagkatapos akong mahimatay kahapon. Dinala ako ng pamilyang Montenegro sa kanilang hacienda.Sa aking probinsya kung saan ako lumaki.

Manuel gave me my vitamins na nirekomenda ng aking OB kanina. Ininom ko iyon at naging tahimik ulit.

Bumuntong hininga si Manuel.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito at hinawakan ang aking mukha. Napairap ako.

"Okay lang. Hindi niyo na sana ako dito dinala. May trabaho akong naiwan sa Manila."

"Buntis ka Aurora. Sabi ng doktor bawal kang mastress."

"Nastress na ako ng makita ko kayo ni Chloe na magkasama. Ni hindi mo sinabi sa akin na kasama mo siyang umalis ng bansa."

Sobra ang pintig ng aking puso dahil sa galit.

Pumikit siya ng mariin at hinayaan kong kunin niya ang aking kamay at halikan.

"Hindi ko siya kasama dahil sa Cali siya nanggaling. Nagkita kami sa airport. Nagkataon na nandoon ang mama niya at sumama sa akin pauwi."

Umiwas ako sa inis.

"Aurora." Anas niya at kinabig ang aking mukha. "Alam mo bang masayang masaya ako?"

Hindi ako kumibo.

Huminga ito ng malalim. "Punta tayong dalampasigan mamayang hapon?"

"Bukas na."

"Wala ako bukas. Babalik ako mamayang gabi sa Manila. May aayusin lang ako 'don bago bumalik."

"Huh?" may panibugho sa aking boses. "Bakit naman?"

Ngumiti siya at pinatakan ako ng halik sa noo. "Kailangan lang ako sa kompanya. Nandito naman si mama. Si papa kasama kong babalik dito."

"E si Ezekiel?"

Umirap siya sa akin. "Sa Manila."

Parang nalugi ako kakaisip na ilang araw na naman siyang mawawala.

Hinila ko siya at niyakap. "Mamimiss kita ng sobra."

Hinagod nito ang likod ko.
"Lahat ng ginagawa ko para sa atin."

"Nahihiya ako kina mama mo. Kasi iyong mga nangyari noon."

"Wala silang sama ng loob sayo Aurora. Alam nila ang ginawa ni Chloe."

"Nasaktan ka ba noon sa ginawa ni Chloe? Noong malaman mong hindi ikaw ang ama?"

Hinalikan nito ang aking balikat.
"Hindi ako nakaramdam ng sakit. Mas lalo lang kitang minahal.At nagsisisi ako dahil sa mga ginawa ko."

Kinahapunan nasa dalampasigan na kami. Nasa malaking puno kami sumisilong. Kakaiba ang pakiramdam ko lalo na't namiss ko ang dagat.

Bukas ay pupuntahan ko rin ang puntod nila lolo ,lola, at ng aking magulang.

Umangat ng dalawa kong kilay ng umahom si Manuel mula sa dagat. Lumandas ang tubig alat sa kanyang walong abs na ikinatuyo ng aking lalamunan.

Nanginginig ang aking kamay na inabot ang juice sa mesa pero dahil nga natabig ng aking kamay ang baso natapon iyon.

Napasinghap ako at madaliang inayos ang sarili dahil nabasa ang aking bestida.

"Nabasa ka?" Takang tanong ng kalarating lang na Manuel.

Shit!

"Ikaw kasi eh!"

Nagtaka ang mukha nito. Nilapitan ako at inayos ang aking bestida.

Summer NightsWhere stories live. Discover now