Chapter 23

30.1K 1.3K 170
                                    

Chapter 23
Nunal

Hindi ko alintana ang mga taong nagbubulong bulongan. Tanging naka'y Manuel ang aking tingin. Hinding hindi ako magkakamali dahil sa tibok ng aking puso at bugso nito. Alam na alam na si Manuel itong lalaking nasa aking harapan at handang magpakasal sa iba.

Halos manlumo ako. Tinuro ako ni Josefina. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Isang bagay lang ang nagpipigil sa akin kundi ang estranghero nitong mga tingin.

"Oh!Hahaha," Jose awkwardly laugh. Tila napuna ang bulong bulongan. "I'm not the legal wife. Uhh," Tinuro niya ako .  "Siya. Siya si Aurora. At ang lalaking ikakasal ngayon ay asawa niya.Manuel! Anong kagaguhan ito? Hindi kayo annulled puwede kitang kasuhan ng kalandian dot com!"

Gumuhit ang noo ni Manuel at napatingin sa akin. Lumundag ang puso ko nang magtama ang aming tingin.

Napalunok ako ng lapitan ako ni Empress. Namumula ang mata nito.

"Aurora ano to? B-bakit-"

"M-Magpapaliwanag ako."

"You ruined our wedding!"

"Excuse me? Anong ruined? Sino kaya ang naka ruined sa inyo?" Mataray na sagot nito Jose. Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Empress.

"Sino ka ba?!"

"Ako?" halos mapapikit nalang ako. Wa'g si Jose please. "Ako lang naman ang may ari ng mga bulaklak dito sa makasalanang kasal niyo. At wag' na wag' mo'kong tatarayan hindi mo pa bayad itong mga bulaklak ko!"

Oh God!

Empress face turned pale. Gusto na nitong manakit.

"I will pay it!"

"Wa'g na. Kung galing lang naman sa-"

"Jose tama na." Saway ko sa kanila. Ang tingin ko ay naka'y Manuel na patungo na samin. Kasama nito ang isang lalaking may edad na at babae. Sa tingin ko ay mga magulang ito ni Empress.

"Mommy." umangkla ang kamay ni Empress sa babae. Sa ina nito. Tila humihingi ng tulong.

Hindi ko mawari ang mga tingin sa akin ng mga magulang niya. Malalalim at maraming kahulugan.

"Hindi ko alam ang buong istorya at kung bakit kayo tumutol sa kasal. Let us talk about this inside our house ." seryosong sabi ng papa ni Empress na mataman na nakatingin sa akin.

Hindi ko na tinignan ng lumapit si Manuel kay Empress. Naghihintay ako sa kanyang mga yakap at haplos pero iba ang kanyang nilapitan. Napupunit ang puso ko kung bakit siya nagkaganito.

May nagawa ba akong mali? What's wrong with him?

"Pigilan mo'ko Aurora. Nabubuwesit na'ko kay Manuel! Hindi niya ako madadala sa kaguwapuhan at kakisigan niya! Naiinis parin ako!" himutok ni Jose habang sumusunod kami sa kanila ni Empress. May sinabi ang emcee sa mic para sa mga bisita na naiwan doon.

Nasa hapag kainan kami. Namamawis ang aking magkadaup na palad. Hindi ko kaya ang madilim at mabigat na mga tingin ni Manuel.

Mahinang kumakain si Empress habang ang magulang nito ay hindi maalis ang tingin sa akin. Mas lalo tuloy akong kinakababan.

"I'm sorry po sa n-nagawa ko uhh." pilit kong inisip ang mga dapat kong sabihin. Umiinit ang aking mata at anumang oras bubuhos na naman ang aking mga luha.

Pinakita ko ang aking daliri. "I . . .I am married with Manuel bago siya ma aksidente."

Kumuyom ang panga ni Manuel ng tapunan ko siya ng tingin.

"N-No." iyak ni Empress at kumapit sa braso ni Manuel. Umiwas ako ng tingin.

"H-Hindi ko alam k-kung bakit ganito Manuel? O-Our baby is six months old-"

Summer NightsWhere stories live. Discover now