Chapter 24

31.7K 1.2K 143
                                    

Chapter 24
May anak

Tumagal ang titig ko sa nunal na nasaking likod. It's a dark heart shape. Naudlot ang pag uusap namin ni mommy Cora kahapon dahil tinawag siya ng kanyang asawa. Pansamantala ako dito sa isang Villa. Ang kabilang villa ay kay Manuel.May urge ako na gusto siyang puntahan pero naiisip ko rin ang kanyang sitwasyon.

May amnesia sya at di niya ako maalala. Hindi raw dapat itrigger ang amnesia ,hayaan raw unti unting bumalik ang alaala.

Maaraw na ngayon at naririnig ko ang mga alon. Kaharap ng villa ang berdeng dagat at may mga niyog. Sa gilid ng niyog ay may nakahilerang sun loungers.

Hindi gaano karami ang dumadayo dito lalo na't pribado ang Isla nila. Pili lamang ang nakakapunta. Meron naman sigurong spots na pwedeng dayuhin pero sa parte dito ay wala pa akong nakikitang dayo

May kumatok sa pintuan nang binuksan ko ito isa pala ito sa katulong nila Empress.

"Miss pinahahatid ni Ma'am Cora." Mga damit ang bitbit nito at ang kasunod niya na katulong may dalang pagkain.

"Uh thanks. Kanino iyang isang tray?"

"Ah! Kay Wilson po!"

Kinagat ko ang labi "Puwede ako na ang magbibigay?"

Wala naman nitong alinlangan na binigay sakin. Hindi pa ako ayos ng nilapag ko ang damit at tray na pagkain sa mesa ng villa. Binitbit ko ang tray ng pagkain para kay Manuel.

Tinatambol ang puso ko habang papalapit. Napasinghap nalang ng humampas ang hangin sa akin. Kumatok ako sa pintuan niya. Hindi ako naghintay ng matagal dahil binuksan niya naman 'yun agad.

Damn!

Lumandas ang mata ko sa hubad baro nitong pang itaas. Nakasabit sa balikat niya ang isang towel na nakapulupot at naka shorts lang siya.

"A-A-Ah...Good morning!"

"Morning."

Halos mapapikit nalang ako sa lamig ng boses nito. Tinaas ko ang tray ng pagkain.

"Breakfast mo pala."

Tumango ito at aalis na sana ako ng, "Saan ka?" Biglang tanong nito.

"Sa k-kuwarto ko."

Nangunot ang noo nito. "Sabay na tayong kumain"

"Wag na"

"Asawa kita di'ba? Bakit di ka sasabay sakin na kumain?"

Umawang ang labi ko sa walang preno nitong sabi sakin.

"Kukunin ko lang ang pagkain ko."

"May niluto na ako dito. Come in."

Wala pa akong ligo habang siya kakatapos lang yata maligo! Baka may laway pa ako o muta!

Pasimple kong pinunasan ang mukha ko ng makapasok. Walang kahit anong arte ang villa niya. Lahat ng bintana nakabukas at nakakaantok ang hampas ng hangin.

May nakahanda nang pagkain sa maliit na mesa niya. Nakita kong dalawang pinggan iyon.

"M-May inaasahan kang bisita?" tanong ko. Hinila nito ang upuan para sakin. May kinuha rin itong t shirt at sinuot.

"Wala. Para sa atin to. Tatawagin kita sana."

Tumango ako at sinupil ang ngiti sa labi. Gusto ko siyang tignan ng matagal pero hindi ko magawa, kahit dati pa naman hindi ko makuhang tignan siya ng matagal. Nakakalunod at nakakatakot. His black pitch eyes were so mysterious.

Napuna ko rin ang mga luto niya wala ring pinagbago. Adobong atay ng manok, fried rice at ham. Isa ito sa mga paborito niyang kainin tuwing breakfast kahit wala siyang maalala ito parin ang gusto niya.

Summer NightsWhere stories live. Discover now