Chapter 14

37.5K 1.3K 121
                                    


Chapter 14
Sampalan

"Are you okay Zeke?" Tanong ko kay Ezekiel. Nasa kahera ako ng shop ni Jose. Kahapon hindi ko sinipot si Manuel.

Maraming rason kung bakit hindi ko siyang kayang harapin. Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari. Natatakot akong isugal ulit ang aking puso.

Nakatulala su Ezekiel at malalim ang iniisip.

"Nothing."

Umiwas siya.

Nilagay ko ang baso nang kape sa gilid at tinabihan siya. Masuyo niya akong tinignan.

"May problema ka yata."

His forehead creased. Alam ko na busy itong tao e. Lalo na nag papa impress ito sa ama niya.

He tousled my hair. Ngumiwi ako dahil nagulo ang aking buhok.

"Wala.Ang kulit mo."

"Di'ba hindi ka natuloy sa Batangas. Nag bar ka kagabi." Pangungulit ko dito.

Ngumiti ito at tinignan ako ng matagal.

"Mas lalo akong naiinlove sayo niyan. Sige ka! Aagawin na talaga kita sa kapatid ko."

I scoffed and rolled my eyes. Diyan siya magaling e. Napapatahimik niya ako agad.

Hindi rin mawaglit sa isipan ko ang hindi  pagsipot kay Manuel. Kinakabahan ako.

Umalis na si Ezekiel at iniwanan ako nang pagkain na gustong gusto ko.

Habang kinakain ko iyon sa counter ang siya namang paghawi ng pinto at pagpasok ni Jose.

"Oh! Kamusta ang adlaw mo guwapa?"

I giggled. I find him cute using his ilonggo accent. Parang ang lambing pakinggan e.

"Okay lang guwapo! Ay este guwapa pala!"

Umirap ito at kinuha ang bulaklak namin na mamahalin. Nilagay niya iyon sa lalagyanan.

"Ano 'yan? May bumili?"

"Uhuh! Ikaw maghahatid nito ha!" Iniabot nito sa akin ang piraso na papel.

"Iyan ang address ng hotel. Nasa floor thirty at room two zero nine!"

"Mahal talent fee ko ha. Ang alam ko nag hahabi lang ako ng bracelet dito e at kahera. Ngayon delivery girl narin."

"Tse! Gora kana! Kung ayaw mong palayasin kita dito sa pamamahay ko at pauwiin kay Ezekiel!."

"Oo na! Sige na! Hindi ka naman ma biro."

Pinaserbisan ako ni Jose sa kanyang driver papuntang hotel na nasa address.

Hawak hawak ko ang malaking basket na bulaklak. Medyo nahirapan pa ako sa pagdala nito.

Sa magarang bulwagan palang nang hotel may pumansin na agad sa akin.

"Miss Aurora right?"

"Ah Opo."

"This way ma'am."

Umangat ang kilay ko dahil kilala ako nito at hinintay pa ako . Kinuha pa nito ang basket na bulaklak at siya ang nagdala.

She escorted me. Hanggang sa tamang floor at sa harap ng room two zero nine.

Nagdadalawang isip pa ako kung kakatukin ko ba o iiwan ko dito sa labas?

"Uh miss papasok pa ba ako?"

She smiled and nodded.

"Of course ma'am. My boss wants you."

Summer NightsWhere stories live. Discover now