Chapter 18

32.9K 1.2K 82
                                    

Chapter 18
Catalena

"Babalik ako kaagad kapag natapos ang trabaho ko doon." Mabining hinaplos nito ang aking pisngi. "Ang mayordoma ang bahala at mag aalaga saiyo. Tatawag ako araw araw." Tumango ako at binaon ang mukha sa kanyang leeg. "Mahal kita Aurora. " bulong niya at pinatakan ng halik ang aking buhok.

Nagkaroon ng guwang ang aking dibdib. Alam kong marami siyang gagawin sa Manila at aayusin. Alam kong gumagawa siya ng hakbang para maparusahan si Chloe. Hindi niya 'yun sinasabi sa akin pero narinig ko silang nag uusap ni Don Juanito noong kailan.

"Babalik ka kaagad?" Tiningala ko siya at nagkatitigan kami. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

Alam kong hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting 'yun. Simula ng sinaboy sa dagat ang abo ni Donya Patricia naging tahimik ang mansyon. Gangis ng dagat , ingay ng mga katulong na nag uusap ,at huni ng mga ibon lamang ang naririnig. Tila pate ang mansyon ay nagdadalamhati.

"Uuwian kita. Wala ng masamang mangyayari dahil natugis na sila. Mas masiguridad ang paligid ngayon. May iiwan akong taga bantay mo. Pangako mo sakin iingatan mo ang iyong sarili para sa ating anak Aurora."

Tumango ako. Unti unting lumapit ang kanyang labi sa aking labi at magaan akong hinalikan. Ubod ng ingat at pagmamahal.

"Magbabayad sila Aurora. . pangako."

Niyakap ko ito nang ilang oras. Ginugol ko ang sarili sa kakayakap sa kanya. Tanging ang bisig niya lang ang aking kanlungan kaya habang nandito pa siya hindi ko siya papakawalan.

Tiningala ni Manuel ang bintana kung nasaan man ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib habang minamasdan itong papasok sa kanyang kotse.

Nang tuluyan ng tumirik ang araw napag desisyunan kong puntahan ang puntod nila lola. Habang naliligo tila isang mabilis na kidlat at biglang dumaan sa aking isipan ang mga nangyari. Lahat na nangyari.

Kung paano nila pinunit ang damit ni senyora. Kung paano nilang apat babuyin at hayupin ang katawan ni senyora. Parang sasabog ako sa sakit.

"Tama na! Tama na!" walang humpay ang daloy ng tubig mula sa shower patungo sa aking katawan.

Tandang tanda ko kung paano nila suntukin sa bibig si senyora at tadyakan.

"Tama na!" sinabunutan ko ang aking buhok. Gusto kong iuntog ang aking ulo baka sakaling mawala ito sa aking isipan.

Mainit ang luhang dumadaloy sa aking pisngi pero hindi alintana dahil sa tubig. Naninikip ang aking dibdib at inuusig ng konsensya na sana. . ako nalang. Na sana h'wag na si senyora. Ang daming nagdadalamhati sa kanyang pagkawala at marami ang nadamay. Kasalanan ko.

"Ahhh!" Hinawi ko lahat ng gamit sa loob ng shower. Tumama lahat iyon sa sahig. Gumawa iyon ng ingay at siyang pagkalampag sa labas at pagbukas ng pintuan.

"Shit!" mura ni Ezekiel ang aking narinig. Mula sa kakaupo sa sahig na baldosa sinikop ako doon ni Ezekiel.Hindi alintana ang aking kahubaran.

Mabilis ang kilos niyang nilapag ako sa kama at binalot ako ng tuwalya.

"Ezekiel p-patawad. Patawad." tiningala ko ito at ang siyang pag iwas niya.

Namalisbis sa aking pisngi ang aking luha. Nakita ko ang mga sugat sa aking kamay. Hindi ko ito naramdaman kasi mas masakit ang aking puso at ako'y naging manhid.

" Mag ayos kana." malamig na turan nito at tatalikod na sana pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

He's my bestfriend. Naging sandigan ko siya sa Manila noong wala kami ni Manuel. Malaki ang itinulong niya sa akin. Malaking parte siya sa akin. Ayokong ganito siya kalamig sa akin.

Nahulog pala ang tuwalya na nakabalot sa akin. Napalunok siya at dahan dahang pinulot iyon at binalot ulit sa akin.

"Ezekiel." nanginginig ang aking boses. "Alam kong sinisisi mo'ko. Alam kong nasaktan kita at mas lalo kitang nasaktan ngayon."

Hinawi niya ang kanyang buhok at hindi makatingin sa akin. "Mag ayos ka Aurora." umigting ang panga nito.

"Hindi! Alam kong masakit. Alam ko dahil naranasan ko na'to. Ezekiel kaibigan kita. Kung puwede sanang ako nalang. Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na nararamdaman niyo ngayon. Guilting guity ako dahil ako ang nandoon e! Nandoon ako pero wala akong nagawa.Kaya alam kong nasasaktan-"

Napatili ako ng itulak ako niya sa kama ang sanhi kung bakit lumuwag ang pagkakatali ng tuwalya sa aking katawan. Halos lumuwa ang aking mata ng pumatong ito sa akin at itinukod ang mga kamay sa gilid ng aking ulo. Nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Oo! Nasasaktan ako! Nasasaktan ako dahil mahal parin kita Aurora! Nasasaktan akong makita ka sa piling ng kapatid ko! Nasasaktan ako dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang aking ina! Nasasaktan ako dahil saiyo ko lang naramdaman ang ganito pero dinurog mo'ko. Iniwan ko ang babaeng minahal ako ng sobra sobra para saiyo. Nasasaktan ako! Maraming dahilan at iisang rason at ikaw iyon! Masakit!Puta ang sakit!"

Sinuntok nito ang gilid ng aking ulo. Sanhi kung bakit ako umiyak lalo. Nabingi ako sa mga sinabi niya. Nabingi ako sa lahat na katotohanang nalaman.

Tinitingnan niya lang akong umiiyak habang nakadagan siya sa akin.

"Ezekiel pareho kayong importante sakin ng kuya mo. H'wag ganito.  Pakiusap."

Taas baba ang dibdib nito. Kinagat nito ang labi at tumango. Dumaan ang sakit sa mga mata nito.

"Parehong importante pero siya ang mahal mo."

Hindi ako makakilos. Tumigil ito sa hamba ng pintuan. "Ang sakit magmahal Aurora. Ayoko nang magmahal." bulong nito bago lumabas.

Ilang minuto pa ako bago nakalabas ng kuwarto. Pinakain muna ako ng mayordoma ng mainit na sopas at gatas.

Pumitas ako ng mga bulaklak hardin sa likod ng mansyon. Dadalhin ko ito sa puntod nila lola. Nilagay ko iyon sa basket at nilagyan ng ribbon.

Dalawang body guard ang kasama ko at isang driver papuntang sementeryo. Pagkarating doon ay nilapag ko ang mga bulaklak sa magkatabing puntod ni lola at lolo. Nagtirik rin ako ng kandila.

Wala na akong mailuluha pa. "Lola, alagaan niyo diyan si senyora sa langit ha. Sana gabayan niyo ang apo niyo paglaki niya. Tsaka' lola sabihin mo kay senyora Patricia na sorry. Sorry sa lahat. Tutuparin ko ang sinabi niyang alagaan ko ang magkapatid para sa kanya. Babawi ako."

Umihip ang mabining hangin at tila bumubulong iyon sa aking tainga. Napangiti ako dahik ramdam ko ang presensya nila.

"Mahal ko kayo lola. . lolo."

Hindi ako doon nagtagal at ako'y umuwi na.

Sa labas ng mansyon ay may nakita akong isang kotse. Hindi ko nalang pinagtuonan pansin dahil minsan may pumupunta ditong bisita.

"Senyora Aurora. Gusto niyo po ng bilo bilo?" tanong ng mayordoma sa akin. Napangiti ako dahil gustong gusto ko iyon.

"Sige po manang paki akyat nalang po sa kuwarto kasi masakit ang ulo ko."

"Sige po senyora magpahinga kayo bawal sa inyo ang mapagod."

"Salamat po."

Aakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko si Ezekiel na nakatingin sa kanyang cellphone. Nasa opisina siya dito sa mansyon. Nangunot ang aking noo dahil lumuluha si Zeke habang nakatingin sa picture ng isang babae.

"C-Catalena...Why? Why?" pa ulit ulit niyang sinabi at tinakpan ang mata gamit ang kanyang braso at humilig sa upuan.

Catalena? Sino iyon?

Summer NightsWhere stories live. Discover now