Chapter 13

37.3K 1.4K 263
                                    

Chapter 13
Walked Out

Sa murang edad ay umibig agad ang aking murang kaisipan. Masyado akong naatract sa Magkapatid na Montenegro noon. Hinayaan ang sariling lamunin ng pag-ibig. Kahit na may itinakda sa iba. Umasa parin ako.

Gusto ko man na iwasan ang magkapatid pero ayokong iwaksi yung mga tulong sakin ni Ezekiel. Ayokong iwaksi yung aming pinagsamahan.

Lumipas pa ang ilang buwan. Bilang lang ang mga araw na hindi niya ako napupuntahan sa bahay ni Jose.

Sa eskwelahan marami akong naging kaibigan. May nagtangkang manligaw pero sinagot ko na kung ano ang gusto ko.

Mas mabuti na iyong hanapin ko muna ng sarili ko. Ayokong magpadalos dalos. Dahil sa pag dalos dalos marami akong nasaktan.

Nasa isip ko narin iyong dalawin ang puntod nila Lola sa nalalapit na summer break. Malapit na ang bakasyon at hinahanda ko na ang sarili ko sa pagbalik ng Hacienda Montenegro.

Nasanay man dito sa syudad. Mas iba parin iyong simoy ng probinsya. Hahanapin hanapin mo talaga iyong lugar na kung saan ka lumaki.

'Yung shop ni Jose mas lumawak ang kinikita araw araw. Sa likod ng Shop sa gilid lamang ng bahay ay gumagawa kami at nag momolde ng mga jar at plorera. May mga nagdedesign nito. Kung wala akong pasok o maaga 'yung uwian namin ito agad ang aking tinatrabaho.

Hakot  ko ang mga nagawang pamaypay at mga bracelets habang tinungo ang shop. Hindi na ako nag atubiling punasan ang pawis sa aking noo.

"Josefina! Eto' tignan mo." Nilapag ko sa harap niya ang mga nagawa.

"Ang galing. Neat and fashionist. Ito 'yung timplang hinahanap ko at saiyo ko lang pala makikita. Tiyak bukas sold na iyan!"

Napatawa ako dito. "Tignan mo oh"

Tumango tango ito sa mga sinabi ko at pinakita. Maya pa ay nag-excuse ito para mag -CR kaya ako ang pumalit na kahera.

Inayos ko ang mesa at umupo nang marinig ang kalansing ng aming pinto hudyat na ito ay bumukas.

Nakangiti ko itong inangatan ng tingin. "Good Afternoon-" napawi ang ngiti ko at napatigil ng makita kung sino ang pumasok.

Kahit ito ay nagulat at umawang ang labi. I saw her throat move and her face became paper white.

"Ch-Chloe."

Sa lumipas na mga buwan ay mas naging maganda ito. Naka puting t shirt ito pero halatang mamahalin at nakapants.

Humigpit ang hawak niya sa bag.

"Why...Why are you here?" Nanginig ang labi nito at nagbadya ang luha. Halos manginig ang aking kalamnan sa nakitang takot sa mata nito.

Nag-init ang dulo ng aking mata. "Chloe Patawad." Umalis ako sa upuan at para sana abutin ang kamay niya pero natatakot itong umatras..

"Ma-Mama!" She cried. Habang tinatawag ang mama niya. Nakita kong kakababa lang ng sasakyan nila ang mama nito.

"Chloe I'm sorry." pumatak na ang luha ko.

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ng kakarating lang na si Jose.

Natutop ko ang bibig. Pagkabukas ng pinto ang siyang pagyakap ni Chloe sa mama nito.

"Mama l-Lets go please."

Shit. Halo halong emosyon ang dumukduk sa aking dibdib. Ramdam' ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko man mapantayan ang sakit na nararamdaman niya nakikita ko naman iyon sa kanya.

Inalo ng mama niya ito at nanlilisik ang matang tinignan ako.

"You! You bitch! Nakita mo na kung ano ang ginawa mo?!"

Summer NightsWhere stories live. Discover now