Chapter 21

27.1K 1.1K 68
                                    

Chapter 21
Pagkakataon


Kinuha ko ang medyo kalakihang vase na may bulaklak at hinilera ito malapit dingding para makita ng mamimili. I wiped the sweat on my face at napahawak sa malaki kong' tiyan.

"Buang kaman oy! Huwag 'kang magbuhat ng mabibigat baka manganak ka wala sa oras!"

Pinagalitan ako ni Josefina. I like flowers. Ito iyong pinagtuonan ko ng pansin ngayon. Dito ako naninirahan sa apartment nila Josefina. Bumalik ako dito at kinalimutan ang mapapait na alaala na palagi akong ginagambala.

Hanggang ngayon walang balita. Isang buwan nalang manganganak na ako.  Ganoon parin. Hindi parin nakikita ang katawan niya.

Walang gabi na hindi ako lumuluha. Walang gabing hindi napupuno ng iyak ang apat na sulok ng aking kwarto. Mahirap ang mga ito sakin. Gusto akong tulungan ni Ezekiel pero hindi na ako pumayag. Sapat na sakin ang tumulong kay Josefina.

"Hindi naman. Magaan lang naman iyan." Binalikan ko ang ibang bulaklak at dinesenyo ang mga ito bago idisplay.

"Alam mo Aurora ng bumalik ka dito dumami ulit ang mga bumibili. Lucky charm nga talaga kita."

Hindi nag kulang si Josefina sakin. Naging maalaga itong kaibigan. Palagi rin dumadalaw sa akin dito si Zeke. Parang tulad lang ng dati. Noong nawala rin sakin si Manuel ay si Zeke ang andito para sakin.

"Hindi naman! Sadyang swerte lang itong anghel na ito sa atin Jose." hinimas ko ang aking tiyan na malaki na.

"Ninang ako diyan ha. As in, NINANG. Pag nagkamali si father na bibinyag naku!! Kukurutin ko ang mga itlog niya!"

Napatawa ako malakas sa sinabi nito. Ang pagtawa ko ang siya ring pagbukas ng sliding door ng shop ni Josefina at pumasok si Ezekiel.

Sa lumipas na buwan  ay maraming nagbago sa kanya. Mas naging seryoso at nabawasan ang pagkapilyo. Nakita ko noon kung gaano siya naghirap ipahanap si Manuel. Kargado na ngayon ni Ezekiel lahat lahat. Lalo na't patuloy ang pagkakasakit ni Don Juanito.

Ilang panaginip ang dumadalaw sa akin tuwing gabi at nakikita ko ang sariling umiiyak sa isang tabi. Hindi mawaglit sa akin isipan ang mukha ng lalaking aking minahal. Bakit sa dinami daming tao bakit si Manuel pa? Bakit namin ito nararanasan.Ang hirap sa akin lalo na't buntis ako.

"How's your feeling?" tanong ni Zeke at hinimas ang aking pisngi. Eksayherada namang bumuntong hininga si Josefina.

"Okay naman. Ikaw?"

"I'm fine. Kumain kana?"

"Oo."

"May gusto ka pang kainin?" tinignan nito ang pambisig na relo. Alam kong busy na tao si Zeke ngayon pero pinaglalaanan niya parin ako ng oras.

"Zeke tell me." hinuli ko ang tingin niya at hinawakan sa pisngi. "Hindi mo parin ba nakita si Catalena?"

Umigting ang panga nito.

"Nakita." Maikling sagot nito.

"Tapos? Nagkausap na kayo?"

"Oo, naghahanap pa ako ng magandang tiyempo. She don't want me."

"Zeke "

"Zeke-"

"I have to go. May meeting pa ako. Take good care yourself please." pinatakan ako nito ng halik sa noo at umalis ito agad.

Nagkatinginan nalang kami ni Jose ng makaalis na ito.

"He changed a lot." komento ni Jose.

"He is." sagot ko.

Summer NightsWhere stories live. Discover now