Chapter 17

33.7K 1.3K 93
                                    

Chapter 17
Ipararanas

Parang gusto ko nalang na ako ang nasa sitwasyon ni Senyora. Doble 'yong sakit. Doble 'yong hapdi sa puso ko. Gusto ko nalang hilingin na sana ay isang panaginip ito.

"Ang sama sama mo! Ang sama niyo!" Nagpumiglas ako sa pagkakasakal sa akin ni Chloe. Naramdaman kong sumayad ang matalim na kutsilyo sa aking leeg. Sobrang hapdi.

Nasalampak ako sahig nang itulak niya ako kasabay ang pag sakit ng aking puson.

"A-Ang baby k-ko.Ang b-baby k-ko!" Wala akong nagawa kundi kapain ang aking puson. Nanlalabo ang aking mata sa sobrang sakit nang ulo at katawan.

Isang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Ungol nang mga walang hiyang lalaki at mga sigaw ni Senyora.

"Bagay sayo iyan! Ngayon alam mo na ha?!"

Naputol ang mga sasabihin pa nito nang kumalabog ang pinto. Sinubukan kong gumapang pero wala na akong puwersa. Bawat galaw ramdam' ko ang pag agos ng likido sa aking gitnang hita. Bawat galaw ang siyang pagsakit ng aking mga sugat.

Kumalabog ang puso ko ng marinig ang galit na galit na boses ni Ezekiel. Kahit malabo ang paningin at nahihilo nakita ko kung paano niya hinampas ng malaking vase ang isang lalaki. Kalabog at ungol ng sakit ang narinig ko at ang mala demonyong sigaw ni Ezekiel.

Ramdam' ko ang sakit at hinagpis sa boses niya at lalo lang akong naiyak.

Nagsisigaw si Chloe at tingin ko ay nahuli ito. Rinig ko rin ang maraming boses ng mga lalaki na tingin ko ay mga haciendero.

"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko!" Narinig ko ang boses ni Chloe. Naramdaman kong may tumulong sa akin.

"Si Aurora! Jusko! Dinudugo si Aurora!"

Sa isang maliwanag na lugar. Puno ng bulaklak at paru-paro nakita ko ang aking sarili.

Kasama ko ang aking lolo at lola.

"Lola...a-ang sama sama nila lola."

Umiiyak ako sa kandungan ni lola habang hinahagod ni lolo ang aking likod. Iniyak ko lahat ng hinagpis. Kung puwede ako nalang. Nang dahil sa akin may nadamay pang iba.

"Hija manatili kang matatag. Nandito kami ng iyong lolo nagbabantay saiyo. Hindi ka namin pababayaan."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Parang ayoko pang umalis.

"Lalo na may sanggol sa iyong sinapupunan. Magpakatibay ka."

Isang napakaliwanag ang sumilaw sa aking paningin. Napatingin kaming tatlo doon ni lola at lolo.

"Patricia." Aniya ni lola.

Lumaki ang mata ko ng makita si senyora Patricia na naka puting bestida. Malayo sa huli kong nakita.

"Aurora."

"Senyora?"

Tumango ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang lamig ng katawan nito.

"Aurora iaasa ko sayo ang aking mga anak. Hindi ko na kaya."

"P-po?"

Hinaplos nito ang akong pisngi at ngumiti.
"Huwag mo silang pababayaan."

"Senyora? H-hindi ko maintindihan.."

Parang isang usok nawala lahat iyon. Parang isang panaginip.

Nang dumilat una kong nakita ang puting kisame. Bumaba ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ko.

"Jose."

Summer NightsWhere stories live. Discover now