Chapter 20

31K 1K 53
                                    

Chapter 20
Sakit

Nilihis ko ang kurtinang puti na tumatakip sa malawak na dingding ng aming kuwarto. Dahil kristal ito, pumasok agad ang init na nagmumula sa labas. Binuksan ko rin ang pintuan papunta sa veranda at lumabas. Kaaya aya ang kislap ng dagat. Nakakagaan sa loob ang hangin mula doon. Lalo na sa katulad ko na buntis.

Napangiti ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Manuel hugged me tight and kissed my hair.

"Anong gusto mong breakfast?" he asked.

Kahapon, nagpacheck up kami. Nalaman namin yung mga pagkain na mas mainam sa buntis at mga bawal. Kakaiba sa pakiramdam, yung' kasama mo ang taong mahal mo sa buhay at magkasama kayong dalawa araw araw. Ayoko nang malayo ulit kay Manuel. Hindi ko na nakikita yung sarili kong nawawalay sa kanya.

"Gusto ko nang' lomi. Yung' may karne." ngumuso ako dahil kagabi, kahit natutulog ako,iyon talaga ang nasa isip ko.

Binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. "Ano pa?"

"Tsaka orange juice."

Natahimik siya at ilang minuto kaming nakatunghay sa karagatan.

"Sapat na sakin ang manirahan sa ganito ka payapang lugar kasama ka Aurora."

Sumikdo ang aking puso.

"Ako rin. Sanay ako sa hirap Manuel."

"Hindi kana makakaranas ng hirap Aurora." Bulong nito. "Puro sarap nalang ang mararanasan mo-"

Humalakhak ito ng tampalin ko ang balikat niya. Uminit ng husto ko ang aking pisngi.

"Ang bibig mo Manuel!" Sikmat ko dito. Alam ko kung gaano ka simpleng manyak itong si Manuel.

He barked a laugh. "What? Anong sarap ba iniisip ng baby ko huh?" hinila ako nito at niyakap.

"Ewan sayo." nadidistract na ako sa abs niyang naka handa sa aking mga mata. He's topless and only wearing his cotton pants.

Gusto ko maayos ang lahat. Maayos ang ugnayan ng magkapatid dahil 'ramdam ko ang pader sa pagitan nilang dalawa. They cold with each other. Pakiramdam ko kailangan ko silang paglapiting dalawa.

Kahapon nakita kong pauwi na si Catalena, ang fiancee ni Zeke. Hindi ko man lang nakausap ang bata kahit gusto ko kasi pana'y iwas ito sakin. Alam ko naman dahil hindi man lang ma filter ni Zeke 'yung bibig niya. Hindi niya inaalala ang mararamdaman ng fiance niya na buntis! At bakit hinayaan niyang umuwi ang fiancee niya na mag isa?

Kumakain kami ni Manuel ng umingay ang silya at umupo si Ezekiel sa harapan namin ni Manuel. Ni hindi tumingin si Manuel si kanya,ganon rin si Ezekiel. Nag serve agad ang katulong para kay Ezekiel.

"Nasaan si Don Juanito Zeke?" I asked him. Tumigil rin si Manuel sa pagkain at umangat ng tingin.

"Nasa hacienda."

"Uh ganoon ba."

Pinisil naman ni Manuel ang aking kamay. Nangunot ang noo ko pero alam ko na nagseselos siya sa 'twing kinakausap ko ang kapatid niya. At ito ang hindi ko gusto.

"What?" Bulong ko.

"Eat." Matigas na sabi ni Manuel.

Umirap ako at kumain na lamang.

Lumipas ang araw na ganoon palagi ang eksena sa hapag kainan.

Ngayon nakapiring ang aking mga mata.

"M-Manuel saan tayo?"

Naramdaman kong humahakbang kami pataas. Naririnig ko rin' ang gangis ng alon.

Summer NightsWhere stories live. Discover now