Chapter 12

34.8K 1.3K 178
                                    


Chapter 12
Bakit Zeke

Sobrang pighati ,panlulumo ,at iyak ay wala ng luha ang lumabas sa aking mata. Ganito ba ang mabuhay sa mundong ito? Ganito ba kasakit iyon?

I killed an angel. Alam ko nang buntis pero nagpadala ako sa galit ko.

Nanginginig ang kamay ko habang binigay kay nanay Vilma ang sulat na iiwan ko kina senyora.

"N-Nay pakibigay po."

Maluha luha nitong tinanggap ang aking sulat at niyakap ako. "Hija mag-iingat ka ha? Alam kong mabait ka na bata."

Nanginig ang aking labi at nag init ang mata para sa luha.

"B-Babalik ako nay. S-Sana huwag sila magalit sa akin."

Hindi na ito nagsalita at niyakap na ako.

Umalis kami ng mansyon na hindi alam nila Senyor. Habang papaalis hindi ko maiwasan na magbalik tanaw sa mansyon.

Nalulukot ang puso ko. Sobrang higpit ang pagkayukot na halos hindi na ako makahinga.

My eyes wattered and I embraced the pain. Damang-dama ko sobra.

"Ang sama sama ko Ezekiel." I whispered and closed my eyes. Hinilig ang ulo sa backrest ng upuan.

Umigting ang panga niya ng marinig ang sinabi ko.

" Hindi kita huhusgahan Aurora. Alam ko na mabuti kang tao. Ulol lamang si Manuel para paasahin ka. Pinabayaan kita sa kanya pero pinaasa ka. Tangina niya."

Napatingin ako sa labas. Kita kong lumagpas na kami sa aming lugar. Nagkikislapan na ang bawat poste. Nag iilawan ang mga bahay na aming madaanan.

"S-Saan ako titira?" Wala sa sariling tanong ko. "Puwede mo akong mahanapan ng trabaho tapos bed space para mabayaran ko iyon."

"You will study."

"Wala pa akong pantutos sa sarili ko."

"I will give you money."

"Ezekiel alam mong ayoko idepende iyong pangangailangan ko sa iba. Kung ikaw ang gagastos sakin mabuti pa ibalik mo nalang ako sa hacienda."

"Fine! May kaibigan ako. You can make a bracelets and mould right?" he asked na nakasimangot.

Nabuhayan ako ng loob. "O-Oo naman!"

"Libre kuwarto doon. Puwede ka doon. I'll find you a school. Paayos ko ang record mo sa Stella Maris."

"Salamat! Pero ako gagastos sa sarili ko maliwanag?"

"Kung iyan ang gusto mo. Pero palagi kitang dadalawin."

"Oo naman! Salamat!"

Sa Manila sobrang nanibago ako sa environment. Sobrang matatayog ang mga building. Sobrang traffic, maraming tao at mga malls. Ibang iba sa probinsyang nakagisnan ko.

Inalalayan ako ni Ezekiel sa lahat. He introduced me to his friend named Joselito, the owner of a shop. Parang hindi iyon simpleng shop lamang. Ang mga tinitinda nito ay malalaking vase ,jar , mga accecories na yari sa shells at pamaypay.

Alam ko na bading ito medyo mataray pero alam ko na mabait.

"Hi! I am Josefina. Pag tinawag mo akong Joselito ipapatokhang kita! Maliwanag?!" Halos mapanganga ako sa sinabi nito.

Napatingin ako kay Ezekiel na napakamot sa ulo. " Damn, Jose! Watch your mouth."

Umiling ito at humalukipkip. Pinasadahan ng tingin ang aking katawan.

Summer NightsWhere stories live. Discover now