CHAPTER 34: The Wedding...

25.6K 432 37
                                    

Dedicated kay Ate Papa!! I miss you na! Hindi kita naaabutan sa peysbuk at watty! TT_TT I love you Ate Papa!! :*** Good Luck sa school. :)


Enjoy! Sorry kung hindi ganun kaganda.. 


CHAPTER 33.2: The Wedding...

 

SI DARRYL >>>>>>>>



ALEXIS P.O.V

 

One month na ang lumipas, tatlong araw na rin hindi tumatawag si Matthew, pero sabi niya sa huling tawag niya sakin, ngayong araw siya uuwi galing Italy.. Namimiss ko na siya..

“Alexis okay ka na ba? Tara na mahuhuli na tayo sa simbahan.” – nakangiting sabi ni Tj.. kanina pa kasi ako nakatulala dito sa labas ng bahay namin..

“Ah, oo.. Tara.” – sabi ko at saka niya ko inalalayan sumakay sa kotse niya..

Pupunta kami sa kasal!

KASAL nila Nezza at Darryl.. Grabe mahal talaga nila ang isa’t isa.. Kinuha nila akong bridesmaid at si Tj naman ang Best Man.. Minadali nilang ayusin lahat sa loob ng isang buwan, dahil gustong gusto na daw magpakasal ni Darryl.. Nung tawagan nila ako para iinvite sa kasal nila pinapunta nila ako para pumili ng gown ni Nezza, nagkausap na rin kami.. Hindi naman ako galit sakanya eh, siguro dati naiinis ako kasi nga yun pa yung panahon na baliw ako dito sa kasama ko ngayon sa kotse.. Nakakatawa nalang kapag naaalala ko.. Ang nakakatuwa pa, si Cassiel! Anak pala siya nila Darryl at Nezza, sobrang liit talaga ng mundo.. Yung batang makulit na matalino na yon konektado pala sa buhay ko..

Pagdating namin sa simbahan sinalubong agad ako ng Mama at Daddy ni Tj. Hindi naman ganun karami yung tao, pili lang yung mga inimbitahan nila..

“Sobrang ganda mo hija..” – puna ng Mama ni Tj..

“Thank You po Tita, kayo rin po ang ganda niyo.” –sabi ko.

Nginitian ako ng Mama ni Tj.

“Sandali lang Ma, Alex jan ka muna.” – paalam ni Tj saka naglakad papasok ng simbahan, pupuntahan siguro si Darryl.

“Siya nga pala hija.. nakwento sakin ni Tj, na boyfriend mo daw ngayon si Matthew?” – nakangiti padin si Tita ng itanong niya yan.

Nahihiya ako, kasi baka isipin nila tinuhog ko yung magpinsan.. Nako naman, sorry po Lord pero nagmahal lang po ako..

“Ah, opo Tita.” – sagot ko.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon