CHAPTER 38: Bad Day..

22.7K 324 5
                                    

CHAPTER 38: Bad Day..

 

Dedicated sakanya kasi natuwa ako sakanya! :D HAHA .. Salamat sa suporta! :)

 

 

ALEXIS P.O.V

 

“Pero Sir! Wala naman po akong ginawang mali! Employee of the month pa ko Sir!” – sigaw ko.

“I’m sorry Alexis, pero kailangan naming magtanggal ng tauhan. Pwede ka ng umalis.” – sabi ni Sir.Mark.

“Pero—“

“Get out.” – matigas na sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi umalis sa coffee shop. Naman! Bakit ngayon pa?! Tss.. Bat kaya nagtatanggalan ng empleyado eh ang yaman yaman ng company nila Matthew! Ahhh! Bat ko ba siya iniisip! Samantalang iniiwasan na nga niya ko! Siguro nagising na yon! Hindi niya ko mahal talaga. Joke. Psh, pero ano ba kasing problema.. Ang hirap manghula!

“Alex! Narinig ko yung nangyari! Bakit ka ba natanggal?” – nag aalalang sabi ni Diane.

“Hindi ko rin alam eh.. Pero sana makahanap agad ako ng trabaho.” – sabi ko.

“Nako Alex! Wag mong subukang bumalik sa club na pinagtatrabahuhan ni Akina!” – suway niya.

“Ano ka ba! Wala na kong balak bumalik dun,  at saka isa pa natubos ko na yung bahay namin, ang kailangan ko ngayon pera na pang gastos naming nila Dixie! Saka pang check up pa ni Mama, isa pa malapit na exam ni Dixie.. Haay, bat ganun.” – sabi ko

Nakakainis talaga ang malas malas ko.

“Sige na Diane.. Aalis na ko..” – paalam ko.

Mukhang naaawa pa sakin si Diane.. Tss.

Ang malas malas ko.

Nawalan ng trabaho.

Mama ko hindi ko makausap ng maayos.

Kapatid ko topakin.

Boyfriend ko ang hirap spellingin!

*bzzzzzzzzzt.bzzzzzzzzzzzt.*

Arggg! Sino naman kaya ‘tong tawag ng tawag.

TJ Calling...

 

Problema naman nito? -_- , ayoko ng kausap.. Kaya pinatay ko na yung cellphone ko.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon