CHAPTER 35: Goodbye..

22K 390 30
                                    

CHAPTER 33.3: Goodbye..

 

Dedicated kay EMS ! Huy Emcuting! Mag ingat ka sa Singaporeeee! Good Luck sayo! Pasalubong ha pagbalik! HAHA .. Love you pusaa! Mag ingat ka! Pakakasalan ka pa ni Kel! Yiiiee <3

 

---------

>>>>> Si Darryl at Nezza >>>>>>

 

NEZZA’s P.O.V

 

Hindi ko alam kung paano siya nagising.. basta nagpapasalamat ako sa diyos na hindi niya muna kinuha si Darryl nung araw na yon..

Nandito kami ngayon ni Darryl sa labas ng ospital, nakaupo kami sa isang bench.. Inalalayan ko siya para makalabas kami,gusto daw niyang makalanghap ng sariwang hangin.. Nakatungo lang siya sa balikat ko habang hawak hawak ang kamay ko.. Sobrang lakas ng hangin, at sa bawat dampi ng hangin sa balat ko ramdam ko parin yung sakit dahil sa alam kong mawawala na siya sakin..

“Nezza, pag nawala ako.. Isipin mo nanjan padin ako.. Nakatingin lang lagi sayo..Alagaan mo rin si Cassiel, alam kong mabuting ina ka..” – bulong niya, hirap na hirap na siya pagsasalita..

“Darryl..gusto kitang kasama sa pagpapalaki kay Cassiel..” – sagot ko, alam kong napaka selfish ko dahil alam kong nahihirapan na siya pero ayoko parin siyang pakawalan.. mahirap..

“Nezza, hindi ko na yata kaya..” – bulong niya..

Nag unahang tumulo yung luha ko sa mata ko..

“Darryl, please..parang awa mo na..” –

Ngumiti lang siya..hawak niya yung iPod niya.. inayos niya yung headset nun at nilagay niya sa tenga ko.. tumugtog yung kantang kinanta niya nung nasa reception kami ng kasal namin.. siya yung kumakanta..

“Nirecord ko..kung mamiss mo man ako, pakinggan mo lang yan..parang kasama mo na rin ako, Nezza mahal na mahal kita..kayo ni Cassiel.. Sorry kung hindi kita masasamahan habang buhay.. Gusto ko Nezza, gustong gusto kong makasama ka pa ng matagal..pero Nezza hindi ko na kaya..” – umiiyak na din siya..

Maging yung mata ko ayaw ng tumigil pag iyak, nagmamakaawa ba siya sakin na pakawalan ko na siya? hindi ko kaya.. Ang selfish ko! Ang selfish selfish ko! yung taong mahal ko hirap na hirap na pero sarili ko parin ang iniisip ko..

Patuloy lang tumutugtog yung kanta niya..patuloy  din sa pagtulo yung luha ko..hawak niya ko sa magkabilang pisngi..pilit niyang pinupunasan yung luhang tumutulo sa mata ko..unti unti niyang inilapat yung labi niya sa labi ko.. hinalikan niya ko ng buong pagmamahal.. parang gustong sumabog ng puso ko sa nararamdaman ko ngayon.. Niyakap niya ko at tumungo siya sa balikat ko..

“Masaya ako dahil ikaw ang kasama ko ngayong huling araw ko na..” – bulong niya.

Mas lalong humigpit yung yakap ko sakanya..

“Darryl, please...” – pakiusap ko..

“It’s time Nezza..” – bulong niya sa tenga ko..

Naramdaman kong hinalikan niya ko sa balikat ko..

“I will always love you, my wife..”

Mas lalong nag unahan umiyak yung dalawang mata ko ng maramdaman kong lumuwag yung pagkakayakap niya sakin.. puro hikbi at tawag sa pangalan niya ang nagawa ko..

Is this really goodbye??

Sobrang sakit...

Mas masakit pa ‘to sa pagtago niya ng katotohanan sakin..

Mas masakit pa ‘to sa sugat ng pagkakadapa..

“Mahal na mahal kita Darryl...”


END ng story nila Nezza and Darryl :)


 Kung napapansin niyo hindi lang nakatutok ang story na ‘to sa isa o dalawang tao.. Sinadya kong may side story rin yung ibang characters ko.. Kaya sana pagpasensyahan niyo na kung hindi niyo gusto.. Gaya ng kay Denisse at Cloyd diba may story din sila dito?.. at 5% na story naman ni Ivan at Lian.. konti lang yung kay Ivan at Lian dahil mejo hindi naman sila connected sa pinaka bida.. So SALAMAT talaga..

 

NEXT CHAPTER na! >>>>>   _ASH :)  

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon