Chapter 2

123K 4.7K 1.5K
                                    

Chapter 2


"Okay, so this MTV we're going to make is part of your album 'Tempestas', am I right?"

Philodemus nodded his head. Titig na titig siya sa akin habang sinisimsiman ang kaniyang wine. Sa inis ko ay ibinaba ko ang kubyertos na hawak at matamis na nginitian ang aking talent manager.

"Denver, dear manager, I am bedazzled. Can anyone in this table explain to me, why the heck are we talking about the MTV's concept when you still haven't asked if I want to do this project or not?"

Nanlaki ang mga mata ni Denver. Palihim niya akong sinipa mula sa ilalim ng lamesa. Philodemus' mouth twitched. Nagpipigil ito ng ngiti at nang samaan ko siya ng tingin ay kunwari'y umuubo pa.

"Well... do you want it?" Alec, their bassist asked. Formal introductions were made earlier, even though I know these guys before. Umakto naman silang kakakilala lang namin sa unang pagkakataon kaya hindi na rin nagtaka pa si Denver.

"No." I lifted my chin deviantly.

"No!" halos mapatayo si Denver sa gulat. Pinandilatan niya ako ng mata. Naririnig ko ang ang mahaba niyang litanya sa akin mamaya. He chuckled awkwardly. "Darling, you can't be serious..."

"I am serious." I wiped the corner of my lips using my table napkin and then glared at him. Tahimik na ngayon at seryosong nakatitig sa akin si Philodemus. "Sorry, Philo. Your offer is rather tempting, but I find myself very busy these days. I don't think I can squeeze your little project in my hectic days."

"Storm!"

Philodemus rested his elbows on the table. Kinabahan ako nang umusog siya, pilit na inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. "Philo...?" he repeated.

I was enthralled by how his lips moved when he uttered. Maging ang iba naming kasama sa table ay natahimik sa bigla niyang ginawa.

"I-I mean... Philodemus..." nauutal kong wika, biglang nakaramdam ng matinding pagkataranta.

He smirked, satisfied by my reaction. "That's more like it, Shortie. Anyway, why aren't you interested with the MTV project? Memento Mori is the Philippine's numero uno boy band. Having you in our project will be good to further enhance your hitherto unknown acting skills..."

"What the hell?"

Having deeply insulted by his remark, I pushed myself from the chair and slammed my hands on the table. "What did you just say?"

Nakipagtitigan si Philodemus sa akin, bago siya bahagyang umiling. "We both know you're a better writer than an actress, Shortie. What are you trying to pull—"

Bago pa siya makatapos sa pagsasalita ay mabilis kong isinaboy sa mukha niya ang natitirang wine sa aking wineglass. He stopped talking and a muscle in his jaw clenched. Umawang ang labi ng mga kabanda niya sa bigla kong ginawa.

At base sa pamumutla ng mukha ni Denver ay mukhang mahihimatay na ito anumang segundo. Ako nama'y pulang-pula na ang mukha sa galit kay Philodemus.

"Watch your words, asshole. Hindi porket sikat ka at sinasamba ng maraming tao ay pwede mo nang maliitin ang kakayahan ko." I gritted my teeth, grabbed my purse, and walked away like the fucking queen that I am.

Nagpupuyos pa rin ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob nang tawagan ko ang mga bodyguards upang sunduin ako. Nang lumabas din si Denver sa VIP room ay hindi ko na sila hinintay pa. Dali-dali na akong nagpunta sa basement at nang may makakita sa akin ay pinagkaguluhan tuloy ako.

I cursed under my breath as I tried to get away from some of my fans. Gusto ko man silang i-entertain ay wala ako sa sarili ngayon upang ngumiti sa harap ng camera at bigyan sila ng mga autograph. Buti na lamang at alerto ang mga bodyguards ko na kaagad naman akong nahila sa maliit na grupo ng mga babaeng sinundan pa ako hanggang sa SUV.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon