Kabanata - 1

2.6K 62 51
                                    

Sa lumipas na panahon nanatili sa aking alaala ang mga pait, luha at pighati na pilit kong kinakalimutan, bagamat puno ng saya bago pa man ang kalungkutang iyon ay hindi ko na maalaala ang mga kasiyahang aking naranasan noon.

Ipikit ko man ang aking mga mata sa pagtulog muli ay ipinapaalala sa aking mga panaginip ang mga ito. Wala akong magawa kundi ang lumuha na maging nakapikit man ang aking mga mata ay kusang sumisibol sa aking mga mata ang luha at aagos sa aking mga pisnging saksi ang mga kulubot kung gaano ko na katagal niyayakap ang mga panahong dumadaan sa aking buhay.

At sa paglipas ng panahon.....nanatili sa aking isipan ang bangungot ng nakaraan at ang mga lihim nito. 

Ngunit kailangan kong mabuhay ng matiwasay at sumunod sa agos ng buhay sa paglipas ng panahon.
.
.
.
.
.
" Lolo....mag-gagabi na po. Baka mahamugan kayo hindi po ito maganda sa health ninyo."

Hinawakan ko ang nakadantay na palad ng aking apo sa tuhod na si Tricia sa aking balikat. Kung saan ako ay nanatili nang nakaupo sa wheelchair ng mahabang panahon ng aking katandaan. Marupok na ang aking mga buto at may kahinaan na ang aking katawan sa edad na isandaan at isa. Ngunit hindi ang aking alaala o memorya.

Marahil ay kagustuhan ng panginoon na mabuhay pa ako para maikuwento ko pa ang hindi ko nakuhang isalaysay sa aking mga anak at mga apo.

" Alam ko na wala ang iyong mga labi diyan. Ngunit hindi ko na kayang maglakbay kung saan inilagak ang iyong mga labi. Tatlong taon mula ng maisaayos ang puntod mo at maibalita sa buong mundo ang tungkol sa iyo akoy hindi na napalagay. Sa maikling panahon na nagkakilala tayo ay itinuring mo akong kaibigan at maging ako ay ganun din sayo."

" Lolo wala pong nakalibing diyan. Nasa Japan na po ang labi niya."

" Alam ko apo....Sabi nyo nga na mga kabataan....WALANG BASAGAN NG TRIP PRE! Hayaan mo na ako iha."

Napapangiting sagot ko sa aking dalagang apo sa tuhod.

" Si Lolo talaga ang kulit!"

Kulit...Yun tawag malimit sa akin ng mga kakilala ko noong aking kabataan. Makulit at masayahin....iyon at noong Hindi pa malala ang digmaan ng sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas.

Lolo Mayo's POV

Mahabang panahon na ang nagdaan ngunit nakakubli pa rin ang isang katotohanan. Akoy nangangamba na baka isang araw ay wala na akong pagkakataon na masabi ang lahat na maaring magdulot ng pagkalito sa lahat. Kaibigang Theo at Almira.....patawad sa mahabang panahon ng pananahimik. Batid ko na Hindi nyo ako kilala sa panahong ito iyon ay sa dahilang nakatakda pa lang kayong maligaw sa aking nakaraang panahon. Ang lahat ay nakaraan ko na ngunit kayong dalawa ay nakatakda pa lamang na lakbayin ang panahon ko. Nakakatawang isipin na hinihintay ko kayo doon ngunit nasa kasalukuyan ako. Oo nakatakda ko pa lang kayong makilala sa nakaraan. Nalalapit na, hindi ko maaring baguhin ang kapalaran ninyo at ng lahat. Kayo marahil ang magbabago ng lahat sa kasalukuyan at hinaharap. Batid ko na hahanapin ninyo ako balang araw o kung hindi man ay itinakda talaga na magkrus ang ating landas anumang araw o oras. Sadyang mahiwaga ang ating buhay, kaakibat nito ang mga pagbabago na hindi natin maiiwasan o mahahadlangan. Ang tangi nating magagawa ay tanggapin.....sumabay sa agos ng buhay para sa kapakanan natin at ng iba pa.
.
.
.
" Paano kaibigan hanggang sa muli kong pagdalaw. Kita-kits na lang tayo balang-araw kung ikaw nga ba ay nasa langit o sa impyerno, biro lang kaibigan."

" Lolo talaga! Lika na umuwi na tayo. Maaga pa bukas ang flight natin pabalik ng Manila."

" Apo nagmamadali? Bakit miss mo na ang manliligaw mong hapon?"

" My God Lolo! Don't ever mention him! ! Oo nga may relatives tayong Japanese at ok naman tayo sa kanila at sila sa atin. Pero ikaw,tayo ay purong Pilipino. Kahit kailan hindi po ako magkakagusto sa Japanese. Iniisip ko pa ginawa nila sa mga Pilipino ay nahahayblad na ako."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon