Kabanata - 39

477 26 15
                                    

Sa kubol namin ay hindi na ako nakatiis at nais ko ng sabihin kay Theo ang aking narinig na pag-uusap ni Cecilia at Fukuya.

" Ano yan frend?! siguraduhin mo lang na trending yang news mo at hindi fake news nohhh!"

" Heh! Makinig ka kasi muna!"

" Aber! Aber! Goooo! Chikabells na!"

" Mangako ka muna hindi ka sisigaw!"

Kinuha naman ni Theo ang isang damit at itinakip sa kanyang bibig saka ibinuhol sa likod ng kanyang ulo kaya natawa tuloy ako sa pinaggagawa niya.......at sinimulan ko ng ikuwento ang aking narinig. Wala pa mang halos dalawang minuto ay agad ng mabilis na tinanggal nito ang takip sa kanyang bibig. Nanlalaki pa ang butas ng ilong at mata na malakas ang boses na nagsalita.

" WHATTTTTTTTT?! AS IN SIYA ANG?!!! MY GHADDDDDD!!!"

" Shhhhhhh! Bakla ka talaga! Ang bunganga mo hinaan mo!"

" Makabakla naman toh wagas!"

" Ok, ok, ok! Kumalma ka ha!"

" Ayan na nga oh! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Pero frend hindi nga!? Baka nabingi ka lang!"

" Kelan pa ako nabingi basta nakakaintrigang tsismis?!"

" Yan tayo frend eh! Tsismosang pasimple ka eh!"

" Pero ito hindi tsismis, sa bibig mismo ni Cecilia at Fukuya ko narinig."

" Ok sige na ikuwento mo ng buong detalye, sinabi mo lang na siya ang ama ng dinadala ni Cecilia!"

" Ganito yun, naglalakad ako para makahingi ng tubig sa kubo ni Cecilia at Fukuya ng bigla kong narinig ang....."
.
.
.
" Si Sanzumaru ba nakita mo doon Fukuya?"

" Hindi ako pinalad na makita siya Cecilia. Nanatili lang kasi ako doon sa dalampasigan malapit sa bangka, nakaantabay sa mga magaganap pa dahil matindi ang magaganap na labanan ng mga gerilya at mga sundalong hapones."

" Malapit na akong manganak Fukuya, ngunit akoy natatakot sa kapalaran ng magiging anak ko. Hindi tanggap ni Papay at ni Kuya Aejandro na akoy isang dalagang ina na nabuntis ng isang hapones. Ngunit iyon ay aking ginusto dahil mahal na mahal ko siya kahit may pamilya na siya sa bansa nila."

" Nagmahal ka lamang Cecilia ngunit sa maling pagkakataon.
Mabuting tao si General Sanzumaru ngunit hindi kayo nararapat magsama sa batas ng tao lalo na ng diyos. Hayaan mo ng ako ang umako at tumayong ama ng iyong anak. Siguro marahil, maaayos din natin ang lahat kapag matapos na ang digmaan."
.
.
.
" Iyon lamang ang narinig ko dahil sa pagkabigla ay mabilis akong umalis doon. Muntik pa nga akong mahuli doon ni Ador buti na lang nakaalis agad ako at nasalubong ko siya."

" Tsk!Tsk!Tsk! Sinong mag-aakalang may anak pala si Papa Sanzu sa isang Pilipina?! My godddd nakakaloka ito! Wala man lang nakaalam sa future?!"

" Yun din iniisip ko baks! Kung nagkaanak sa panahong ito si Sanzumaru how come walang nagclaim sa future noon ng hinukay ang libingan niya at dinala sa Japan ang labi niya."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now