Kabanata - 7

758 31 64
                                    

Nagpatuloy sa pagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan si Lolo Mayo sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawang itinago niya sa mahabang panahon. Sa mga iyon ay isang larawan pa ang kanyang pinagmasdang muli.

Lolo Mayo's POV

Kaibigan.... patawad sa pagtatanim ko ng galit sayo noon matapos ang isang pangyayari. Ngunit aking napagtanto na ako ang may mali sa bagay na iyon at wala kang kasalanan sa naging kinahinatnan ng nangyari. Saludo ako sayo noon pa man na kahit magkaiba ang ating lahi at kultura ay nagkaunawaan tayo. Nagiging ngiti sa akin ang mga ngiting nasa iyong labi. Mga tawanan na hindi natin mailntindihan kung bakit may pagkakataong tinatawanan natin ang isat-isa sa maikling panahong tayo ay nagkasama. Ngunit sa mahabang panahong nakubli ang tunay na nangyari sayo ay batid ko na payapa at maligaya ka na saan ka man naroroon sa dahilang ang katotohanan ay siyang nanaig.

Hawak ang mga larawan ay hindi napigilan ng matanda ang bugso ng kanyang damdamin. Napasandal sa kanyang kinauupuan at napapikit ng dumaloy ang luha sa kanyang mga mata na tila pagdaloy muli ng mga alaala ng kahapon.
.
.
.
.
FLASHBACK

November 25, 1941
Malilipot, Albay

" Mayo! Gumising ka na diyan! Si papay mo andun na sa bukid madilim pa!"

" Mamay ang aga pa. Saka kasama naman niya si manoy. Mamaya na lang ako susunod."

" Ugakunon ka talagang aki ka!      ( Ang tamad mo talagang Bata ka!)"

" Mamay....hayaan mo na si Manoy Mayo. Siya kasi Ang sasama sa amin sa bayan sa parokya."

" Ano an gigibohon nindo duman?! ( Ano ang gagawin ninyo doon!?)"

Kakamot-kamot sa ulong sumagot si Mayo sa Ina.

" Mamay, mabayle! Ano man hapot mo! siyempre masimba! (Mama, sasayaw! Ano namang tanong iyan! Siyempre magsisimba!)"

Isang pukpok sa ulo ni Mayo ang tumama.

" Pilosopo!"

Natatawa naman ang dalawang dalagang kambal na kapatid ni Mayo na si Maria Felicia at Maria  Cecilia labinsiyam na taong gulang. Bagamat kambal ay hindi magkamukha dalawa na may angking ganda. Bagamat may morenang balat may kasingkitan ang mga mata sa dahilang ang kanilang lolo sa ama ay may lahing intsik na isang negosyante ng palay. Nabigyan ng lupain ang kanyang ama na siyang nangangasiwa ng kanilang mga trabahador sa palayan. Sa magkakapatid ay panganay si Alejandro dalawput pitong taon may asawa at isang anak. Pangalawa si Mayo dalawput tatlong taon na wala pa ring direksyon ang buhay sa dahilang ayaw ng mag-aral.

" Mayo! Bakit hindi ka tumulad sa kuya mo maasahan ng ama mo!"

" Mamay, dapat lang po. Eh panganay siya. Sa kanya naman sigurado ipapamana ni papay ang lupain niya. Etong dalawa namang Maria malamang mag-aasawa na ang mga iyan at kukunin ng mga asawa nila. Tama na sa akin itong bahay na ito at lupang kinatitirikan nito malawak naman."

" Lilintian kang aki ka! Buhay pa kami ng ama mo mamanahin nyo na ang lumalabas sa bibig mo. Tignan natin kung may mamanahin ka sa amin ng ama mo!"

" Ganun ba. Ummmm kung wala....eh di wala. Hindi naman ako mapilit mamay."

" Ewan ko sayo! Tumayo ka na diyan! Kung sasamahan mo ang mga kapatid mo. Lumakad na kayo!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon