Kabanata - 26

412 31 9
                                    

Almira's POV

Muli naming ipinagpatuloy ang paglalakbay at makalipas lamang ang wala pang isang oras may narinig kaming ikinabigla ng lahat, mga ugong na matagal na naming nakalimutan ni Theo. Mga ugong na mistulang bangungot sa sinumang makakarinig. Papasok na kami sa isang kagubatan matapos naming malagpasan ang tila kapatagan pero may mga talahib na mas matataas pa sa amin.

Napalingon kaming lahat. Napayakap sa akin si Theo. Tinatanaw namin sa kalayuan ang mga eroplanong mga apat yata ang bilang. Malayo man ay batid naming mga tora-tora o eroplano iyon ng mga hapones.

" OH MY GODDDD!" Sigaw ni Theo.

" MGA EROPLANO PANDIGMA AMIN BANSA IYAN!" Sigaw din ni Sanzumaru.

" BILISSSSS!DOON TAYO SA GUBAT! HUWAG KAYONG MAGTAGO SA TALAHIBAN MAPAPANSIN NILA MULA SA ITAAS KUNG MAY MAY NAGKUKUBLI! SA MGA ILALIM NG MATATAAS NA PUNO MAGKUBLI!!!" Mabilis na iniutos  ni Julian.

Walang inaksaya ang lahat, mabilis na nagtakbuhan. Naramdaman ko na lamang na hila-hila na ako ni Sanzumaru pati si Theo hila din ni Mayo. Nagtatakbo kami at sa bahaging pababa ang  lupa may nakita kaming may uka doon na may kalaparan.  May  malalapad na batuhan at mistulang maliit na kuweba. Yung iba sa mga gilid ng malalaking puno nagtakbuhan at sa iba-ibang direksyon. Nakita ko pa na huling tumatakbo si Julian tangan ang mahaba niyang baril.

" JULIAN DITOOOOO!" Sigaw ko. Tanaw namin sa itaas na halos mababa ang lipad ng mga eroplano habang papalapit sa bahaging iyon ng kagubatang kinalalagyan namin.

Tumakbo at biglang nagdayb si Julian sa kinalalagyan namin na aking ikinabigla.

Nadaganan nito si Theo na ikinatumba nilang pareho.

" Ayyyyyy!" Impit na sigaw ni Theo.

Mabilis namang bumangon si Julian at tinanaw naming dumaang mababa sa ibabaw ng gubat ang limang eroplano ng mga hapones. Kinabahan kaming lahat, nakita pa naming hindi halos gumagalaw sa gilid ng isang malapad na puno si Delfin, Maria at iba naming kasama.

Nakahinga lang kaming lahat ng tuluyang lumayo ang mga eroplano. Lumabas na kaming lahat sa aming pinagkublihan at nanatili muna ng ilang saglit sa kinalalagyan namin.

Napaupo kami ni Theo sa damuhan. Takot at kaba ang siyang nararamdaman namin ng magtama ang aming mga mata. Hindi namin inaasahan ang naganap, kung sakaling nagkaengkuwentro dalawang bagay lang ang maaring kinahinatnan namin ang nakaligtas o tuluyang napatay kami kung sakaling nahulugan kami ng bomba mula sa mga eroplano ng mga hapones. Isang pangyayari na siyang hindi naman naganap noon sa amin.

Nag-usap-usap naman sina Julian at iba pang mga gerilya.

" Frend....hindi ko inasahan yun. Bakit ganun, biglang may mga tora-tora na nagfly dito."

" Hindi ko rin alam. Iniisip ko tuloy na hindi kaya dahil sa hindi natin namamalayan na may nagagawa tayong hindi naman natin ginawa noon?"

" Iyon din frend naisip ko, Yung advance and delayed of time na nagagawa natin in a matter of seconds may maaring nababago na siyang nangyari noon."

Napaisip ako....maaring tama si Theo. Kung sakali mang tuluyang may mga mabago ay baka tuluyang hindi kami makabalik sa future."

" Ikaw kasi kumanta-kanta ka pa!"

" Hoy frend huwag mo akong sisihin noh! Ikaw nga natulog ng halos isang oras. Na delay tuloy ang trekking natin!"

" Trekking ka diyan!"

" Nag-aaway  ba kayo?"

Si Mayo na biglang lumapit sa amin.

" Hindee! May pinag-uusapan lang kami ni frend! Tsismoso ka!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora