Kabanata - 23

473 28 13
                                    

Sa pagbabalik namin sa kuweba ay inaasahan na namin ni Theo na naroon sa bungad nito si Julian. Madilim na at pinatay na ang mga sulo sa paligid dahil nasa loob na ang mga tao. Ngunit nanatiling may mga nakabantay o nakamatyag sa paligid sa mga itaas man ng mga puno at sa ibaba at nagkukubli. Hanggang isang tinig ang narinig namin.

" Sa mga ganitong sitwasyon hindi kayo dapat namamasyal! Mapanganib at hindi natin alam kung may mga hapones ng nasa paligid!"

" Ayyy Lolo Julian este papa Julian, ok lang kami kaya naman namin mga sarili namin." Bahagya kong siniko si Theo dahil sa tawag niya kay Julian.

" Ikaw huwag araara, ako hindi naman pabayaan akin mga kaibigan kung may panganib." Pagsali ni Sanzumaru na nasa likod namin.

" Kaya mo bang patayin ang mga kalahi mo sa oras ng kagipitan?! Alalahanin mong hapones ka Sanzumaru, hindi lahat ng taong narito sa kuweba ay nagtitiwala sa iyo."

" Kasali ka ba dun Julian?!" Agad kong tanong dito.

Nagulat ito sa bigla kong reaction. Marahil ikinabigla niya ang pagtatanong ko na may kataasan ang aking boses. Nainis ako dahil alam ko na iniligtas ako ni Sanzumaru laban kay Satoshi ng maganap ang labanan. Kung noong una sa sitwasyong iyon ay hindi ako umimik ay hindi ko mapigilang sa pagkakataong itong muli. Napatingin sa akin si Julian at saka tumalikod at pumasok na sa look ng kuweba. Agad sumunod si Francisco at naglakad na rin si Sanzumaru.

" Papa Sanzu huwag mo na lang pansinin si Papa Julian. May regla kaya masungit!" Agad sabi ni Theo.

" Regra?"

" Regla papa Sanzu, regla!"

" Sorehanandesuka? (Ano iyon?)"

" Gekkei!(regla)" Sagot ng kaibigan ko.

Sa narinig ay bahagyang natawa si Sanzumaru.

" Ikaw taraga kaibigan Theo. Arara rang Julian inyo."

" Hmp! Mabuti pa papa Sanzu kumain na tayo!"

" May nilagang kamote si mama, ikukuha ko kayo ni Ate Almira." Sabad ni Francisco.

" Kamote?!!!" Nanlaking matang saad ni Theo. Kaya bahagya siyang siniko ni Almira.

" Bakit kuya?! Parang gulat na gulat ka sa kamote. Eh halos araw-araw may kamote tayong kinakain. Buti nga meron pa tayong kinakain."

" Sige Francisco ikuha mo kami. Salamat sayo."

" Walang anuman ate Almira."

Sa pagtungo ni Francisco sa kubol nila ay sumama dito si Sanzumaru. Kaya agad ko ng hinila si Theo sa kubol namin.

" My God naman kung makahila wagas!"

" Umayos ka kasi! Tandaan mo  na halos kamote at mga gulay na lang kinakain natin noon dito! Nasa giyera ulit tayo Theo kaya wala tayong magagawa kung magutom tayo sa mga susunod na araw na siya ding dinanas natin noon."

" I'm sorry frend....nabigla lang ako. Hindi ko pa rin kasi ma-absorbed ng tuluyan ang nangyayaring ito. Kanina lang sa dinner ay fiesta tayo sa resorts ninyo. Ngayon may God! Kamote!"

" Tse! Masustansya ang kamote! Kami nga sa bahay pinapagluto ko niyan si manang at kumain kaming mag-asawa pati ang dalawang bata!"

Sa sinabi ko ay nanahimik na lamang si Theo. Dinampot ang isang piraso ng kamote at nagsimula nitong balatan.

Napabuntonghininga ako......dumampot na rin ng isang piraso ng kamote at sinimulan itong balatan. Oo Tama si Theo, maging ako man ay hindi ko pa rin lubusang ma-absorbed ng tuluyan ang naganap. Nabigla man ako pero hindi tulad noon dahil ang nangyari sa amin ay nangyari na din noon. Ikinakatakot ko lamang ay kung hindi kami makabalik sa dating oras tulad noon at manatili pa rin dito. Sa pagkakataong iyon ay maaring mangapa o masorpresa kami ni Theo sa mga maaring maganap na hindi pa namin na experience noon.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon