Kabanata - 22

628 28 9
                                    

Almira's POV

Halos magtatakipsilim na ng matapos ang meeting o pagpupulong namin. Sa aking pagkakatanda ay ganoon nga ang nangyari noon. Natatandaan ko pa na niyaya kami ni Sanzumaru sa labas ng kuweba para magpahangin. Hindi nga ako nagkakamali habang nasa kubol at hinahalukay namin ni Theo ang mga gamit naming halos limot na namin ay sumilip ito sa awang ng pinto.

" Almira....Theo???"

" Uy Papa Sanzu ikaw pala, may kailangan ka?"

" Sama kayo akin doon may ilog sa may baba ng bundok."

" Hala bakit papa Sanzu?"

" Sige Sanzumaru hintayin mo kami sa labas ng kuweba susunod kami."

Ako na ang sumagot dito. Marahil limot na ni Theo ang ginawa namin noon kasama si Sanzumaru sa huling gabi namin sa kuweba.

Nang makaalis si Sanzumaru ay agad kong ipinaalala kay Theo ang ginawa namin noon ng yayain kami nito.

" Bakla, isipin mong mabuti kung anong ginawa natin noon doon sa ilog?!"

Saglit nag-isip ito at agad nanlaki ang mata ng maalala nito.

" Oh my! Frend nag moment tayo noong tatlo kasama si Francisco sa mga alitaptap! Gusto ko yun frend, lalo na yung eksena ng pagbalik natin dito, si Papa Julian nakasimangot sa sellos kay Papa Sanzu!"

Sabay halakhak ni Theo ng maalala ang naganap. Tama nga siya. Iyon ay siyang nangyari talaga.

" Tara let's na frend at pagabi na! Saka ayokong meykapan si Divina. Oo Mabait siya, pero loyal ako sayo frend noh!"

" Tse! Loyal ka diyan! Maski ako hindi ko talaga gagawin iyon. Walang eksenang ganun na ginawa tayo noon! Kasalanan mo at may alam ka pangng make-up eh walang ganun noon tayong ginawa!"

Itinabi namin ni Theo ang mga gamit namin para sumunod na kay Sanzumaru.

" Mamaya na natin ito ayusin. Frend remember tanging backbag natin yung dala natin ng lumusob tayo sa Barcelona. Kaya yang bagelyang iyan na may sumpa na galing kay Papa Julius ay ilagay mo diyan sa backbag mo bakasakaling iyan ang susi sa pagbabalik natin sa future for the second time around!"

" Oo na!"

Sa paglabas namin ng kubol ay nakita namin na kausap si Julian at ilang kalalakihan ng tatay ni Divina at ni mang Agusto. Napansin ko din na naglalagay sila ng gaas sa mga bote at nilalagyan ng mitsa ang mga ito. Natatandaan ko noon na nag-ipon nga pala ng mga bote si Julian at kinagabihan nilagyan nila ito ng mga gaas at mitsa.

Nabaling ang atensyon nila sa amin ni Theo ng maglakad kami at nagtanong si Delfin ang first love ni Theo at napangiti ako sa naisip kong iyon.

" Saan kayo tutungo Theo?!"

" Hi papa Delfin! I miss you!!!" Akmang tutungo si Theo kay Delfin ngunit hinila ko ito sa T-shirt niya at napabalik sa tabi ko." My God naman frend yung bra ko muntik ng mapigtal!" Hindi ko ito sinagot.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now