Kabanata - 21

449 30 9
                                    

" Oh my God! Frend last moment na natin ito dito sa kuweba noong una nating time travel! At sa susunod na mga araw yung labanang magaganap na kasama tayo! Then yesssss! Iyon yung time na bumalik tayo sa future! Makakabalik na agad tayo frend!!"

" Saan kayo babalik?!"

Isang tinig ang kanilang narinig mula sa likod na matinding ikinagulat ng magkaibigan kaya napasigaw ang dalawa.

" TANGINAHHH!"

Agad silang lumingon para tignan kung sino ang nagsalita na ikinagulat nila.

" JULIAN???!"

" Ako nga, doon na tayo sa pagpupulong."

" Ha! Para saan Yun?" Tanong ni Theo.

" Makakalimutin kana Theo. Bukas na ang nakatakdang araw ng pag-alis natin pansamantala dito sa kuweba. Doon na muna tayo sa kuta ng mga gerilya bago ang nakatakdang paglusob natin sa garrison ng mga hapones sa Barcelona!"

" Yun ba yun?!"

" Oo kaya tayo na at hinihintay tayo ng mga kasamahan natin."

Sa paghakbang palapit ni Julian sa magkaibigan ay mas natanglawan at lumiwanag ang tingin nito sa dalawa. Nag-atubiling bigla ang itsura nito na tila mas pinagmamasdan ang dalawa na nakahalata na rin sa kuwestiyonableng tingin sa kanilang ni Julian mula ulo hanggang paa.

" Kakaiba yata kayong dalawa ngayon. Nananaba at parang pumuti at gumanda ang inyong mga balat."

Madaling nakabawi ng reaksyon si Theo na agad lumapit at kumunyapit sa braso ni Julian.

" Ano ka ba papa Juls! Malusog lang kami noh! Nakakainis ka hmp! Saka siyempre may mga gamit pampaganda naman kami ni frend na naitago. Like makeup at Lotion noh!"

" Pampaganda?! Bakit?"

" Para sayo noh! Kailangan maganda kami ni frend para makapili ka na sa amin noh! At now na yun bago tayo tayo maki-warla sa susunod na araw."

" Warla???!"

Dahil sa baka kung saan pa mapunta ang usapan ay agad ng hinila ni Almira ang kaibigan at kinurot ng pino na itinabi niya sa kanya.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon