Kabanata - 13

573 23 1
                                    

" Tulong...tulungan mo ako." Nanghihinang sabi nito, hawak ang kanyang balikat at duguan na ito.

Mabilis akong lumapit sa kanya dahil kilala ko ang taong iyon. Siya ang anak ng amerkanong may negosyo sa bayan.

" Andrew?!!!"

" Nadaplisan ako ng bala ng baril..."

Agad kong pinasan sa aking likod ito. Walang kabahayan sa bahaging iyon at tanging si Lourdes ang kilala kong  pinakamalapit ang bahay na naroon.

Mabilis kong tinahak ang bahaging maraming punongkahoy at lumabas ako ng malawak na palayan. Dumilim na ang paligid habang maingat akong naglalakad sa pilapil. Kung labis ang aking kaba sa nagdaang oras ay mas nadagdagan ito. Hindi ko pa lubos na alam kung ano talaga nangyari kay Andrew at kung bakit siya duguan.

Sa dulo ng pilapil na aking tinatahak ay tila looban naman ito na maraming puno at isang kubo ang makikita. Umihip ang malamig na hangin ngunit pinagpapawisan ako. Hindi dahil sa pasan ko ang may kabigatang si Andrew kundi pati na rin ang katotohanang hawak na ng mga hapones ang aming bayan.

Sa harap ng kubo ay tanaw ko na nagsisiga ng mga bunot ng niyog ang dalawang kapatid ni Lourdes. Agad akong sumigaw para malaman nilang paparating ako.

" LOURDES! TULONG! TULONG!"

Agad kong nakuha ang atensyon ng dalawang bata saka mabilis na tumakbo patungo sa akin. Inalalayan na nila ako at si Andrew habang papalapit kami sa kubo. Siya namang paglabas ni Lourdes mula sa bahaging lutuan ng kubo.

" Mayo?! Anong ginaga....diosko ano yang nasa likod mo?!"

" Tao Lourdes! Tao!"

" Heh! Bua-bua ka!Ano bang nangyari at sino Yan?!"

Hindi ko sinagot si Lourdes, tuloy-tuloy ako sa loob ng kubo nila. Agad kong ibinaba at inihiga sa papag na naroon.

" ANDREW?! ANONG NANGYARI???"

" Mamaya ka na magtanong gamutin na muna natin ang sugat niya!"

Mabilis na sumunod sa akin si Lourdes. Agad siyang kumuha ng alcohol at gasa para linisan Ang sugat ni Andrew. Tama nga siya daplis lamang ito at walang balang nakabaon sa balat, ngunit sugat pa rin ito at duguan siya. Tinapalan din ito ng penicillin at pinakulong dahon ng bayabas. Ngumingiwi si Andrew sa hapdi kahit nakakaramdam ng kirot ay nasa wisyo pa rin siya. Pinainom din ito ni Lourdes ng gamot na sabi niya ay para hindi lagnatin si Andrew. Nakatulog ito matapos pakainin ng ginawang tinola ni Lourdes.

Matapos itong mapalitan ng damit at maiayos sa higaan ay kinalabit na ako ng kaibigan ko sa labas ng kubo.

Umupo kami sa ginawang upuang kawayan sa tabi ng puno ng santol. Tanda ko pa kami ni Fukuya gumawa niyon. May ilang puno ng mangga ang naroon at hitik ito sa bulaklak. Nalalapit na nga pala ang panahon ng tag-araw kaya namumulaklak ang mga punong-mangga. Abala naman sa pagkain ng hapunan ang dalawang kapatid ni Lourdes kaya agad na na niya akong inusisa kung ano nangyari kay Andrew.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now