Kabanata - 47

1.1K 49 103
                                    

" MATALIK HINDI KATALIK! BASTOS!!!"

" Hayan nagalit ang lolo natin! Ang bastos mo kasi bakla!"

" Hmp! Pero in-fairness may nakita akong iba kay Andrew. I hope magbago na siya sa pagiging masungit!"

" Kantahan mo ng kantahan baks! Ang sweet ng moment nyo kanina BL na BL! (BOYSLOVE)"

" BL?! Ano yun?!" Tanong ni Mayo.

" HAHAHAHA!" Ang tawa ng magkaibigan at saka mabilis na tumayo at iniwan si Mayo.

" BAYAG mo LOLO! YUN ANG BL! HAHAHA!" Sigaw ni Theo.

Napailing na lang si Mayo sa kalokohan ng magkaibigan. Mabilis ang mga ito na nakalayo marahil patungo ng kanilang kubol.

Hindi na umalis si Mayo kung nasaan siya bagkus ay umakyat na lang ito sa isang mataas at napakalaking puno ng kaimito kung saan sa bahaging matitibay at malalaki ang mga sanga ay may ginawang pahingahan na yari sa kawayan. Maaring kang umupo o mahiga na hindi ka mahuhulog. Nanatili doon si Mayo at naupo sa bahaging tanaw niya ang mababang bahagi ng kuta kung saan naroon ang pataniman nila ng ibat-ibang uri ng gulay. Naroon din ang mga alagang manok at mga bibe Kung saan dinadala nila sa mas mababang bahagi pa ng kuta kung saan naroon ang ilog.

Mayo

Naisahan ako ng dalawang Yun ah! Mga bastos! BL?! Mamaya kayo sa akin! Lolo daw ako?eh mas matanda pa sila sa akin! Kung sabagay sa panahon nila ay sobrang tanda ko na nun. Totoo kaya yung mga sinabi nila?. Ang hirap paniwalaan kung tutuusin pero umaasa ako at mananalangin sa diyos na umaabot pa ako sa panahon nila. Nasa digmaan kami na walang kasiguruhan ang lahat. Walang kasiguruhan na kung aabot ako sa panahon nila. Pero paano kung hindi na sila makabalik sa hinaharap ano kayang mangyayari kung sakali. Alam ko may mga alam sila sa mga naganap sa bansa ng sakupin kami ng mga hapon ngunit sila ay nangangamba kung sakaling ito ay kanilang isiwalat. Maaring mabago ang mga magaganap sa hinaharap namin na sa kanila ay naganap na. Marahil sa aming mga nabubuhay sa panahong ito ay sumabay na lamang sa agos ng buhay at tanggapin ang lahat na maaring maganap.

Nakakapanlumo kung tutuusin ang mga nagaganap sa bansa. Wala kaming kalayaan ngunit akoy umaasang darating ang aming paglaya sa pananakop ng mga hapones. Marami ng namatay at nagbuwis ng buhay mga mabubuting tao man o masasama. Pilipino, amerikano,hapones at marahil iba pang lahi dahil sa digmaang ito. Ano kayang mangyayari sa aking pamilya? Magkasama-sama pa kaya kaming lahat sa hinaharap na mapayapa kung saan wala ng digmaan. Si Cecilia anong mangyayari sa kanya ngayong unti-unti ng maaring malaman ng mga tao dito na si Heneral Sanzumaru ang ama ng anak niya. Si Felicia ang kaawa-awa kong kapatid na labis na naapektuhan ng ginawa sa kanya ng hayop na si Satoshi! Ang hirap, dalawang mahal ko sa buhay na may dinadalang buhay sa sinapupunan na gawa ng dalawang taong lahi ng mananakop. Heneral Sanzumaru ako ay hindi galit na ikaw ay ama ng dinadala ng aking kapatid. Hindi mo yun ginusto, at bunga lamang ng iyong kalungkutan na siyang pinunuan ng aking kapatid na tunay na nagmahal din sayo. Napakabuti mong kaibigan at sa napaikling panahong nakasama kita ay lubos akong nagpapasalamat na iyong tatanggapin ang iyong magiging supling kay Cecilia. Ngunit marahil ay hanggang doon na lamang ang iyong buhay. Patawad kaibigan hindi man lang kita nakasama o nakita sa mga huling sandali mo sa mundo. Lubos ko ng naiintindihan kung bakit may mga pagkakataong naririnig ko ang usapan ni Almira at Theo ay kakaiba at palaging nabibigla sila o nagugulat. Iyon ay sa dahilang pangalawang paglalakbay na nila ito sa nakaraan na aming kasalukuyan. Alam ko na malapit sa kanila si Heneral Sanzumaru at itinuring sila nitong mga kapatid. Hindi ko lubos maisip na sa pangalawang pagkakataon ay nasakasihan nila ang labanan sa Barcelona at ang pagkamatay ni Heneral Sanzumaru at ng mga gerilyang nakipaglaban sa mga hapones.
Napakapalad ni Almira at Theo na nabuhay sila sa panahong mapayapa at walang digmaang tulad ngayon. Ngunit nakakapanlumo nakakapagtaka na sila ay napunta sa panahong ito. Lubos ngang mahiwaga ang mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now