Kabanata - 16

523 22 1
                                    

" So it means that during the time na nasa baryo ninyo ang Heneral na yun Lolo ay walang mga kademonyohang ginagawa pa ang mga Japs?!"

" Sa pagdating nila masasabi ko na maraming di sang ayon. May mga ikinulong sila na nagpakita ng karahasan dahil ayaw sa kanila ng mga iyon. May napatay dahil pumatay din ng kalahi nila. At yung ama at kapatid ni Andrew ay ikunulong nila maging ang kapitan ng aming baryo. Nawala naman sa bayan ang mama at isang kapatid na babae ni Andrew at maging siya ay walang makapagsabi kung nasaan. Wala ring makapagsabi kung nasaan ang pamilya ni Ador."

" Oh my God! Hindi kaya dinukot ng mga Japanese na iyon at itinago sila?!"

" Walang makapagsabi, nanatiling palaisipan ang pagkawala nila sa panahong iyon. Nagsara ang mga negosyo nila mula ng tumuntong sa bayan ang mga hapones. Nanatili naman ang negosyo ng ilang hapones na sa bayan na naninirahan. Nanatili din ang ilang negosyong Pilipino ang may-ari ngunit maraming nagsara. Wala ng nag-aaral sa kabila ng payapa naman ang bayan sa pagdaan ng mga araw."

" May Kinalaman kaya ang Heneral Sanzumaru na iyon sa pagkawala ng ilang kababayan ninyo Lolo?"

" Wala Yoshi. Ang bagay na iyon ay itinanong ko kay Sanzumaru kung saan siya ay napalapit ng tuluyan sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan at pamilya niya maging sa ilang mamamayan dahil sa pagiging mabait nito. Sumasama pa nga ito sa ama ni Fukuya say pangingisda sa dagat at nagtuturo kay papay at manoy alejandro ng ibang pamamaraan sa pagsasaka."
.
.
.
.
.
" Ummmm Sanzumaru maari ba akong magtanong?"

" Ano iyon?"

" May mga kakilala kasi kaming naninirahan sa bayan, ang balita ay bigla na lang silang nawala. Walang makapagsabi kung bakit."

" Ibig mo sabihin hindi na  makita?"

" Oo."

" Sino?"

" Di ba ipiniit ninyo ang amerikanong negosyante sa bayan? Nawawala sa ngayon ang asawa at anak niyang babae."

" Amerika kaaway amin bansa. Ngunit hindi ko alam pamirya niya di makita. Ang aking opisyal na si Hideoki ang may hawak mga nakapiit. Akin aaramin iyon."

" Salamat Sanzumaru."

Sa pagdaan ng mga araw nanatili pa ring payapa ang bayan namin. Tahimik ang mamamayan sa kabila ng patuloy sa kanilang propaganda ang mga hapones. Tuluyan na ring kinalimutan ko ang natitirang damdamin na meron ako noon kay Karlotta na balita na sa buong bayan na babae ng opisyal na hapones na si Hideoki.

Isa din sa ikinagulat ng aming pamilya ang inamin  ni Cecilia kay na Felicia na nahuhulog na ang loob niya sa Heneral sa kabila ng alam niyang may asawa at mga anak na ito.

Pinagalitan siya ni Papay at Mamay at sinabihang hindi na kailanman maaring sumama sa amin kapag kasama si Sanzumaru na wala namang ipinapakitang anuman sa kanya kundi parang kapatid lamang. Maging si Felicia at kuya Alejandro ay pinaghigpitan siya na hindi na maaring gumala o lumabas ng bahay.

" Hindi ka na nahiya sa sarili mo at sa Heneral na iyon Maria Cecilia!"

" Pero papay.....Hindi ko naman nais na suklian niya ang damdaming meron ako. Sapat ng makita at minsay makasama siya."

" Tumigil ka! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Susmaryosep Cecilia! Pamilyado ang taong iyon at may mga anak na sa kabila ng isa siyang hapones at mananakop!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon