Kabanata - 14

539 22 3
                                    

" Mag-ingat kayo Mayo, balitaan ninyo agad ako sa mga kaganapan." Ngunit agad sumagot si Andrew.

" Mag-ingat kami Lourdes, ngunit akoy nangangamba dahil may kasama kaming kalahi ng mga hapones!" Sabay tingin ni Andrew kay Fukuya. Ngunit yumuko na lamang si Fukuya at hindi na sumagot pa.

Nagsimulang paandarin ni Fukuya ang traktor niya. Tahimik kaming naglakbay ngunit hindi pa man kami nakakarating sa kalsadang patungo sa bayan ay agad naming namataan ang dalawang maliit na Jeep na alam namin sa mga hapones iyon. Nanggaling sila sa bayan at tila patungo sa bahaging sangang-daan patungo sa baryo namin.

Agad inihinto ni Fukuya ang traktor sa tabi ng kalsada kung saan naitago niya ito sa likod ng mga puno saka pinatay ang makina nito. Hindi halos ako makahinga sa kaba habang paparating ang sasakyan ng ilang hapones. Kalaliman na ng gabi at tanging ugong ng sasakyan ang maririnig. Nakalagpas ito sa bahaging pinagtaguan namin at saka kami bumaba ni Fukuya.

" Lumagpas sila patungong baryo natin!" Ang tanging nasabi ko habang tinatanaw itong papalayo.

" Baka punta sila kabila bayan." Sagot sa akin ni Fukuya.

Agad naming binalikan ang traktor kung saan nagkubli si Andrew.

" Nang dahil sa mga hapones na iyan hindi na magiging normal ang pamumuhay natin! Wala na tayong magiging katahimikan sa mga susunod na araw!"

May galit na saad ni Andrew. Hindi kumibo si Fukuya batid niyang sa kanya na naman nakatingin ito at pinatutungkulan. Sumakay na lamang kami sa traktor at mabilis na nilisan ang lugar na iyon pauwi ng baryo namin.

Madilim ang paligid habang nilalandas namin ang daan patungong baryo. Tanging mga kuliglig ang maririnig sa paligid at mga ilaw sa gasera ang makikita sa mga bahay na aming nadadaanan. Tahimik si Andrew sa pagkakasalampak niya say traktor habang abala sa pagmaneho si Fukuya.

" Mayo.....sana ikaw hindi magbago pakikitungo akin kahit na sinakop akin kalahi bansa ninyo."

" Kahit pa ikaw ay isang hapones Fukuya ay hinding-hindi masisira pagkakaibigan natin. Mabuti kang kaibigan at mabuting pamilya meron ka. Oo nangangamba ako sa maaring idulot ng pagdating ng mga hapones dito sa bayan natin pero labas ka na dun sa kung anumang maari nilang gawin dito sa bayan natin at sa mga mamamayan."

" Salamat kaibigan Mayo. Iyo asahan na tapat at mabuti akong kaibigan."

" Siguraduhin mo lamang hapon! Traydor ang lahi mo!"

Biglang sabad ni Andrew. Agad kong hinawakan sa balikat si Fukuya. Tinapik at pinakalma sa binitiwang salita ni Andrew. Maging ako ay hindi ito nagustuhan.

" Hindi maganda ang binibitiwan mong salita Andrew! Hindi dahil sa hapones si Andrew ay ihahalintulad mo na siya sa mga kalahi niya na masama ang ginagawa sa pananakop ng ibang bansa! Alalahanin mong dayuhan din sa bansa namin ang ama mo! At ilang taon ding inalipin ng mga kalahi mo ang bansa namin!!"

" Hindi ako Amerkano! Pilipino ako!"

" Manalamin ka Andrew! Ni isang bakas ng pagiging Pilipino ay wala sa iyong anyo! Sa harap ng iyong ama mo sabihing hindi ka amerkano! Matuto ka sanang rumespeto sa anumang lahi lalo na sa damdamin ng ibang tao!"
.
.
.
.
.
" My attitude ang Andrew na yun Lolo! Mukhang mayabang!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Onde histórias criam vida. Descubra agora