Kabanata - 42

376 33 16
                                    

" WALA NA BA KAYONG ALAM KUNDI PUMATAY, GUMANTI?!TIGILAN NYO NA SILA DAHIL BAKA SA HULI KAYO ANG MAPAHAMAK!" Sigaw ni Almira. Kaya napahawak sa kanya si Theo na akmang pipigilan siya.

" Frend....cool ka lang!"

" PARA MALAMAN NINYONG LAHAT! WALA NA ANG HENERAL NA PINAG-UUSAPAN NINYO NA PAPATAYIN! PATAY NA SIYA NUNG GABING LUMUSOB KAMI! NAPATAY SIYA SA PAKIKIPAGLABAN NG KAPWA NIYA HAPONES AT HIGIT SA LAHAT SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT BUHAY AKO! WALA NA SIYA!"

Natigilan ang lahat sa sinabi ni Almira. Walang nakapagsalita.....

" At ikaw Felicia....Alam ko na masakit ang pinagdaanan mo....ngunit kailangan mong maging matatag. May buhay sa iyong sinapupunan na sa kabila ng hindi magandang sinapit mo...anak mo pa rin iyan."

"HINDEEE! AYOKO! AYOKO NG BATANG ITO! HAYOPPP ANG AMA NIYA HAYOPPP ANG SATOSHI NA YUN HAYOOPPPPP DEMONYOOO!"

" ANO?! SATOSHI?! SI SATOSHI ANG LUMAPASTANGAN SAYO?!" Nabigla at tila hindi makapaniwalang tanong ni Almira.

" OH...MY....GODDD!" Ang namutawing salita sa bibig ni Theo.

Hindi na sumagot si Felicia nanatili itong humahagulgol na yumakap sa ina.

" Anak kumalma ka....hindi madali ito pero kayanin mo. Narito lamang ako at higit sa lahat ina mo ako na siyang makakaintindi sa kalagayan mo."

" Mamay.....hindi madali ito. Natatakot ako, sa araw-araw na nabubuhay ako naalala ko ang kahayupan ng hapones na iyon! Mamay hindi ko kakayanin ito, kinamumuhian ko ang batang ito! AYOKO SA KANYA!"

Pinagsusuntok ni Felicia ang kanyang puson na ikinabigla ng lahat ng naroon. Pinigilan ito ng ina ngunit mas lalong nagwala at sumisigaw sa galit. Lumapit si Almira dito at isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. Napatagilid sa papag si Felicia at doon na ito umiyak na tahimik habang nakasubsob. Marahil sa pagod ay hindi na nito nagawang gumalaw.

" Hanggat hindi ka humihinahon sasampalin Kita!" Ang tanging nasabi ni Almira na ikinabigla ng mga naroon pati si Theo.

" Frend! Ano ka ba!"

" Hayaan mo ako!"

" Iha bakit mo naman sinaktan ang anak ko.....nakita mo naman ang kalagayan niya."

" Hindi ko po siya sinaktan. Pinakalma ko lamang siya sa isang paraang alam ko! Felicia makinig ka sa akin! Nasa digmaan tayo walang puwang ang mahina ang loob! Oo kasuklam-suklam ang ginawa sayo ni Satoshi ngunit hindi tama na kitlin mo ang buhay sa sinapupunan mo! Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanang ganyan! Marami kayo ang iba namatay na, ang iba nagdurusa pa rin sa kamay ng mga hapones! Mapalad ka Felicia, buhay ka at kasama mo ngayon ang pamilya mo! Kaya lumaban ka, huwag mong hayaang daigin ka ng lupit ng digmaang ito!"

Sa sinabi ni Almira ay tila natauhan ang lahat na naroon. Tahimik na lamang na umiyak si Felicia.

" Mang Ramon, kalabisan man po ang aking ginawa dahil hindi ako parte ng pamilyang ito ay paprangkahin ko na kayo."

" Anong ibig mong sabihin iha?!"

" Alam kong itinatago ninyo sa mga tao rito ang tunay na ama ng anak ni Cecilia ay hindi ninyo ito maitatago ng habang buhay. Marahil may mga nakakaalam ngunit hindi lamang nagsasalita bilang respeto sa inyo. Itong pagdating dito ni Felicia tanggapin nyo man po o hindi hapones ang ama ng magiging mga apo ninyo."

" Truelalu ka diyan Frend noh! Not once but twice Mang Ramon!" Nakatingin naman na nakakunot noo si Mang Ramon kay Theo.

" Magtigil ka nga diyan bakla!"

" Kasi naman eh!"

" Mang Ramon, tanggapin po natin sa ating sarili ang sinapit nila, ang pinagdadaanan ng pamilya ninyo ay hindi nalalayo sa pinagdadaanan ng ibang pamilyang Pilipino na marahil nagkawatak-watak na o kaya hindi na magkakasama sa darating pang mga panahon. Mapalad po kayo, sa kabila ng trahedyang ito buo ang pamilya ninyo."

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now