Kabanata - 5

899 38 7
                                    

" Kumusta kayo Lolo?"

" Ako ay mabuti at may kalakasan pa rin Yoshi. Masaya ako muli kang bumalik, halos mahigit dalawampung taon na rin ang makalipas."

" Ito na pagkakataon ako ay tira na dito Pilipinas. Gusto ko bansa ninyo Lolo at gusto ko kilala pa lahat akin kaanak."

" Iyan lang ba ang dahilan Yoshi?"

Hindi sumagot si Yoshi. Ngumiting bahagyang lang sa matanda at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan.

" Ibang-iba na Maynila mula huli ako punta dito."

" Don't worry Tito. Since sa amin ka tutuloy ipapasyal kita palagi."

" Ako rin apo ipasyal mo din ako."

" Lo, nalibot na po natin buong Pilipinas. Si Tito ipapasyal ko din dahil pag nasa Japan ako siya din naman ang guide ko doon."

" Ayaw mo na ba akong maging travel buddy apo dahil hukluban na ang Lolo mo?"

Bahagyang natawa si Yoshi sa sinabi ng matanda.

" My goodness naman lolo eh mula magkaisip ako ay ako na yata ang kasa-kasama mo sa lakwatsa kahit gurang ka na. Tumigil ka lang ng rumupok na mga buto mo. Ang dami ko namang pinsan." Natatawang naiiling at kumindat pa ang dalaga kay Yoshi na nangingiti din.

" Apo alam mo namang ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat."

" Awtsuuuuu! Nambola na naman si lolo."

" Akoy hindi nagbibiro apo. Kahit apo na kita sa tuhod ikaw ang number 1." Nakangiting sabi ni Lolo Mayo.

" Aabot pa po kayo Lolo sa pagaasawa at makikita nyo pa apo nyo kay Tricia." Biro ni Yoshi sa matanda.

" Aba'y ako ay pagpahingahin mo na Yoshi wala na sa mundo ang mga kaibigan ko. Ang anak ko na Lolo nitong si Tricia nauna pa sa akin."

" Mabuti iyan Lolo, sa Japan marami talagang tulad mo. Healthy lifestyle lang po talaga."  Pagpalubag ni Yoshi sa matanda.

" Tama si Tito Yoshi! Kaya ikaw lo sumunod ka sa akin, nurse ako at alam ko kung ano Ang nakakabuti sa health nyo o hindi!"

" Ayan na naman Tayo apo! Feeling doktor ka na naman sa akin!" Natawa na lamang si Tricia sa narinig habang nagmamaneho.

" Alam ninyo mga apo.....gabi-gabi ay ipinapanalangin ko na Kung ako ay kukunin na niya, nais ko sa mapayapang paraan. Yung hindi ako masasaktan o mahihirapan. Ayokong mahirapan ang mga taong nasa paligid ko na alagaan ako ng matagal kapag ako ay bedridden na. Nais ko ay yung tipong natulog lang ako at di na nagising. Lalo ka na apo Tricia, alam ko kahit bungangera ka sa akin higit pa sa mama mo ay alam ko mahal na mahal mo ako." Nangingiting turan ni Lolo Mayo.

Sa narinig ay saglit di nakakibo si Tricia. Namuo ang kanyang luha kaya mabilis niya itong pinahid na siya namang nakita ni Yoshi kaya tinapik siya nitong marahan sa braso. Tumingin sa rearview mirror si Tricia. Hindi niya inasahan nakatingin din doon si Lolo Mayo ngunit bumelat ito sa kanya.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon