Kabanata - 3

945 43 25
                                    

" Hon naman eh!" " Pakipot pa kasi eh." Mahinang bulong ni Julius.

" Anong sabi mo Mr. Estacio!"

" Wala Sabi ko, next wk tuloy tayo ng Manila!"

Hindi kumibo si Amira, bagkus tinaasan niya ng kilay ang asawa, sabay tingin dito mula ulo hanggang paa. Kaya napatakip sa katawan si Julius.

" Minamanyak mo ako hon ah...Sabi ko na nga ba eh.  Hindi mo matitiis ang asawa mong guwapo."

" Tseeeee! Mas guwapo sayo ang Lolo mo noh!" Sabay takbo ni Almira na tawang-tawa. Kaya mabilis siyang hinabol ng asawa.

" Hoyyyyyyy! May pahabol-habol ka pang nalalaman! Sementeryo ito! Hindi ako exhibitionist!"
.
.
.
Sa sasakyan pauwi ay walang tigil pa rin ang biruan ng mag-aasawa. Hanggang marating nila ang kanilang tahanan. Bumaba si Almira sa tapat ng gate Kung saan nasa tapat nito ang gate naman ng mga Locsin. Pumasok agad siya ng makitang nasa terrace si Aling Adela kasama ang yaya ng kanyang dalawang anak kung saan nilalaro ng mga ito si Jumira na tatlong taon na isinunod nila ang pangalan sa Lolo nitong si Julian Kay Julius at Almira. Ngunit tinutulan ni Julius ang gusto ni Almira na may hango sa pangalan ni Sanzumaru ang pangalan ng anak na lalaki dahil hindi naman nila ito kadugo. Kinalaunan nasunod pa rin si Almira. Kaya Jumaru ang pangalan ng anak nilang lalaki.

Mabilis na umakyat si Almira habang ipinasok naman ni Julius
ang kanilang sasakyan sa garahe.

" Mga Bebe ko, andito na meme at papu!" Mabilis naman na sumalubong si Jumira habang karga ng yaya si Maru.

Nagtatalon naman si Mira habang hyper naman si Maru sa pagkakarga ng yaya nito.

" Kamusta naman ang mga bebe hindi ba mga pasaway?"

" Hindi po meme good girl po ako, ask nyo pa po ti Lola."

" Very Good!"

Siya naman pagdating na ni Julius na agad kinarga si Maru at isinayaw-sayaw habang karga nito ang anak na tuwang-tuwa.

" Hmppp! Papu ato naman po! Gusto ko din dance mo! Yagi na Lang ti Maru eh bad Yan kanina hmpt!" Crossed arm na Sabi ni Mira.

Napangiti si Julius Kaya ibinigay niya say asawa si Maru at lumuhod sa harap ni Mira para pumantay sa height nito.

" Bakit Bebe ko ano ba ginawa ng baby bro mo?" Nangingiting tanong ni Julius sa anak.

" Tumain po sya ng pupu niya at inupuan nya po! Ambaho po tapos siya tawa pa ng tawa!"

" Oh my God! Anong nangyari yaya?!"

" Ganito po kasi ate,  nakakaupo na kasi so Maru sa crib niya. Hindi ko namalayan nasa kusina ako eh nagpupo na naman pala eh kalilinis ko lang sa kanya."

" Hindi mo nilagyan ng diaper?"

" Ate Sabi mo nga di ba na huwag munang magdiaper pag nagpupu o kaiihi pa lang dahil hindi magandang naka-diaper lagi."

" Ok lang Yan hon, pupu naman niya Yun." Sabay tawa ni Julian Kaya kinurot siya ni Almira sa tagiliran niya.

" Pero ate hindi naman nakakain ng pupu si Maru. Akala Lang ni Mira kasi meron siya sa pisngi at buhok. Nakaupo kasi sa crib at nilamutak ang pupu."

" Ok Lang yan iha. Nangyayari talaga iyan. Yung anak ko na si Harold yun talagang nakakain nataranta talaga ako at dinala ko pa sa hospital. Natawa lang ang mga nurse."

Siyang dating ni Harold at asawa nito na galing sa trabaho.

" Ano yun mama! Narinig ko na naman ang pangalan ng pogi mong anak." Nakangiting tanong ni Harold sabay mano sa Ina.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now