Kabanata - 25

512 26 8
                                    

Naging matiwasay ang unti-unti nilang paglalakbay. Muli ay nanariwa sa magkaibigan mga dinadaanan nila. Kahit may kaba ay kakikitaan na tila nag-eenjoy ang dalawa sa kanilang paglalakad.

" Frend, parang gandang-ganda ako ngayon sa view ng mga dinadaanan natin. Yung mga gubat, hills, rivers aylabbbbitttt!"

" Shhhhhh! Noon kasi haggard na tayo sa mahabang pananatili natin. Takot at kaba pa ang lagi nating nararamdaman. Eh ngayon ang nakakatawa ay parang nagbakasyon lang tayo sa future at ngayon back to reality."

" Nagbakasyon sa future???" Mahinang tanong mula sa kanilang likuran na hindi nila napansin.

" Oh my God!" Mahinang sigaw ng magkaibigan. " Delfin?! Maria?!" Mahinang sambit ng dalawa sa pangalan.

" Ano yung narinig namin, nagbabakasyon sa future?" Pag-ulit na tanong ni Delfin. Agad namang nakabawi si Theo sa pagkabigla. Humakbang palapit kay Delfin at kumunyapit sa mga bisig nito na tila naglalambing. Bahagyang napangiti naman si Maria na sumunod na lamang sa paglalakad dahil nanguna na si Theo at Delfin na nag-uusap. Nagkasabay naman si Almira at Maria. Ngumiti si Almira sa dalaga na tinugunan naman ng huli.

" Papa Delfs ano ka ba, di ba nga I told you before na nagbabakasyon lang kami sa Maynila ng biglang nagbombahan na dun. Hayun na shokot kami ni frend kaya bigla nakilala at napasama kami kay mang Esteban dito sa Barcelona."

" Na shokot?"

" Ha? Ibig kong sabihin natakot. Wag mo ng pansinin mga lumalabas sa bibig ko papa Delfs. Ganun kasi ang bagong salita sa probinsiya namin. Hindi ba yan uso sa Maynila? Di ba doon ka nag-aaral?"

" Oo. Pero hindi ko naririnig mga binibitawan ninyong salita minsan ng kaibigan mo."

" Ayyy....huwag mo na lang kasi kaming pansinin. Dedma ka na lang kasi."

" Dedma?"

" My goodness..." Bulong ni Theo sa sarili. " Sabi ko yung suso ko natusok yata nitong shotgun na sukbit mo...awrayyy matsakittt eh." Natawa na lamang si Delfin sa arte ni Theo.

" Puro ka biro. Hindi ko akalain may suso ka pala." Nangingiting biro na rin ng binata.

" Of course! Gusto mong makita?!"

" Naku huwag na! Sige na samahan mo na si Almira."

" Hmp! If I know, nag-init ka sa suso ko!" Sabay talikod at lapit na nito kay Almira.

Napabunghalit na lamang ng tawa si Delfin. Maging si Almira at Maria dahil halos kasunod lamang nila ito.

" Maria girl! Sabayan mo na nga yang dyowa mo nakakaimbiyernang kasama ang guwapo pa naman ang slow!"

" Ha? Ano yun?"

" Dioskuuulurrdddd! Isa din!" Bulong ni Theo. " Sabi ko sabayan mo na si Delfin ang dakila mong manliligaw." Bahagyang napangiti at napayuko na lamang si Maria.

" Bakla ano?"

" Hayun dinaldalan ko na lang. Natatawa ako frend, nagmumukha silang slow tuloy sa mga sinasabi ko."

" Baliw ka talaga! Umayos ka kasi ng pananalita! At saka huwag na nga tayong mag-usap about sa nangyari sa atin. Mapapahamak tayo pag nagkataon. Ilang beses na tayong muntik-muntikan ng mga nakakarinig sa atin."

" Opo masusunod inang! Hmp!"

Makalipas ang mga oras ay nagpasyang magpahinga muna ang lahat malapit sa isa pang ilog na tatawirin nila. Pangatlo sa limang ilog bago ang kuta ng mga gerilya.

Kumain ang iba sa mga dala nilang pagkain at ang iba ay naghilamos at umiinom sa tubig sa bukal malapit sa ilog.

Tahimik lamang ang lahat habang nagpapahinga sa mga ilalim ng mga puno at ang iba sa mga batuhan at lupa umupo.

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Where stories live. Discover now