Kabanata - 17

525 19 8
                                    

" Tarantada kang babae ka! Bakit mo ako sinampal?!"

" Para magising ka Karlotta! Traydor! Akala mo kung sino ka, eh puta ka lang naman ng sakang na yan!"

Inawat ko si Felicia at inilayo kay Karlotta sa tangka nitong pagsabunot sa kapatid ko. Napigilan ko ito at nagwala sa kabubunganga. Ngunit lumapit itong may ibinulong kay Hideoki. kita ko ang ngiting mala-demonyo ni Karlotta na nakatingin sa amin habang bumubulong. Agad bumunot ng kanyang baril ang hapon at itinutok sa akin sabay hila kay Felicia.

" Manoyyyyyy!"

Mabilis akong lumapit sa hapones para labanan ito. Ngunit isang putok ang narinig namin at bigla na lang nabitawan ni Hideoki ang kanyang baril bago pa maiputok.

" Ahhhh!!" Malakas na sigaw nito sabay hawak nito sa kanyang kanang bisig.

Agad lumapit si Karlotta dito at nagsilapitan na din ang ilang sundalong hapones na kasama nito. Naalarma ang mga ito sa naganap ngunit di nila matukoy kung nasaan ang bumaril kay Hideoki.

Nagkagulo ang mga taong naroon at nagtakbuhan. Agad ko ng hinila palayo doon ang kapatid ko at baka madamay pa kami sa putukan. Ngunit agad kaming nakita ng galit na galit na si Karlotta na binibendahan ang duguang braso ni Hideoki. Agad namang sumigaw ang hapones na kasama nila din na nagsisilbing interpreter nila ito ang negosyanteng espiya din pala ng mga hapones. Ipinahabol kami ni Felicia at hinuli at pakaladkad na hinila patungong garrison nila  ang maliit na eskuwelahan sa aming bayan. Nakita kami ni Fukuya at mabilis itong lumapit sa amin at kinausap ang mga hapones. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi nito ngunit alam kong nasa delikadong lagay kami ni Felicia sa dahilang ayaw kausapin ng hapones na interpreter ang kaibigan ko at tinabig itong patabi sa harap niya. Nagpupumiglas ako para tulungan ang kapatid ko na nadapa na sa pagkaladkad ng isang hapones. Ngunit nasaktan lamang ako ng sipain ako ng kumakaladkad sa akin.

" Arekuppp! Hayop ka! Matapang ka porke marami kayo! Hoy bayan namin ito! Huwag kang mayabang baka dito ka na ibaon sa hukay at hindi ka na makauwi sa bansa ninyo!"

Sigaw ko sa nanakit sa akin. May mga taong nakakita na sa amin ngunit walang mangahas na kami ay tulungan sa takot sa mga hapones.

Sa paaralang iyon ay may maliit na entablado na sa aking tingin ay doon pinaparusahan ang mga nais nilang parusahan. Itinali ang mga kamay namin ni Felicia Kaya nakatawag pansin ito say mga taong naroon malapit. Si Karlotta naman ay galit na galit na nakatingin sa amin.

" MAKINIG KAYO! NAKIKITA NYO ANG DALAWANG ITO?! GANITO ANG SASAPITIN NINYO KAPAG MAY KINALABAN KAYONG MGA HAPONES! PARUSANG MAGPAPAHIRAP SA INYO O AGAD NA KAMATAYAN!"

" KARLOTTA TUMIGIL KA WALA KAMING KINALAMAN SA PAGBARIL SA HAPONES NA IYON! PAKAWALAN MO KAMI NG KAPATID KO!"

" MAYO HUWAG TAYONG MAGLOKOHAN! SINONG MANGANGAHAS NA TAGARITO ANG GAGAWA NIYON KUNDI MARAHIL MALAPIT SA INYO NG TARANTADA MONG KAPATID!"

In Another Place and Time ( THE UNTOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon