Chapter Twenty-Nine

2.5K 60 0
                                    

Chapter Twenty-Nine

Miericka Saymin's POV

"Take some rest, mamaya aalis tayo" utos nito, pagkatapos ay hinalikan ako nito sa noo bago sya umalis ng silid.

Nanatili lamang akong nakahiga, ayaw ako dalawin ng antok. Siguro dahil ang dami ko naring naitulog, bababa sana ako para tanungin si Dyke kung saan kami pupunta mamaya. Pero pagkalabas ko sa mismong pinto ng kwarto ko ay pagkalabas nya rin sa kwarto nya. Naka suot lamang ito ng simpleng polo at pants.

"I told you, take some rest" sagot nito sa akin at sumandal sa pintuan ng kwarto nya.

"Ang dami ko nang tulog, marami na akong energy" sagot ko at tumingin sa kanya.

"If you say so, change your clothes, aalis na tayo" utos nito, pumasok naman ulit ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit gaya ng sabi ni Dyke.

"Ikaw magdra-drive?" Tanong ko rito ng makapasok ako sa Kotse. Bihira o sabihin na natin na hindi ko pa sya nakikitang nagdra-drive.

"Even if i have my own driver, it doesn't mean i can't drive. I'll drive safety don't worry" sagot nito kaya nanahimik na lamang ako, Okay! Sya nang marunong magdrive.

Maya-maya ay dumating kami sa isang lugar, hindi ko alam kung anong lugar to. Pero nagpark si Dyke, tumingin ako sakanya.

"Nasaan ba talaga tayo Dyke" pagtatanong ko pero nagkibit balikat lang ito at lumabas na sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad sakin ang mga painting, ang gaganda!

"We are in the art exhibit of one of the rising painter in our country" paliwanag ni Dyke, nagtataka naman akong tumingin sakanya.

"Exhibit? Bakit wala namang mga tao? I mean walang media, guess" tanong ko rito, nagtatakha kasi ako.

"Ayokong makipagsiksikan ka para lang makita ang bawat painting dito. So i buy all of his painting" sagot nito sa akin, how? Dyke! Paano? Bakit kailangan nya ap iyong gawin para sa akin?

"How did you know na interested ako sa mga ganito?" Takhang tanong ko rito.

"I just know" sagot nito at nanahimik nalang ako, baka pinaimbistegahan nya ako, marami syang pera kaya kaya nyang gawin iyon. Ang pagbili nga ng ganito kadaming painting ay aabot na ng ilang bilyon, ano pa kaya ang simpleng pagiimbestiga lang tungkol sa akin.

Habang nagiikot ako dito ay nakasunod lamang sa akin si Dyke, wala syang imik na sumusunod sa akin.

"Anong plano mo dito sa mga paintings na ito Dyke?" Tanong ko rito, masyado kasing nakakabingi ang katahimikan eh.

"If you want some of this paintings i will display it on the mansion, yung matitira ibebenta ko" sagot nito sa akin.

"Ibenta mo nalang lahat, sayang naman kasi ang mamahal nito" sagot ko at tumingin sa kanya.

"It's just a money" simpleng sagot nito at nanahimik na, lumipat ako sa kabilang painting.

"Pera, pera lang hayst! Kayo talagang mayaman" pagbibiro ko dito.

"Yung malilikom na pera ay idodonate sa charity" sagot nito sa akin na nagpabigla sa akin, charity? Natulong pala sya sa ganun? Bakit hindi ata halata.

"Anong charity?" Tanong ko rito, lumapit naman ito sa akin.

"Sa Isang Orphanage" sagot nito, at naalala ko tuloy ang Orphanage na pinang-galingan ko, kamusta na kaya sina Sister Anna? Namimiss kona sila.

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon