Chapter Thirty- Four

2.4K 62 1
                                    

Chapter Thirty- Four

Miericka Saymin's POV

Pagdating sa kumpanya ay pagkapasok na pagkapasok pa lang ay pinagtitinginan na kami. Rinig rin ang mga bulong bulungan.

"Si Ericka"

"Ba't nya kasama si Mr. Lawton?"

"Si Ericka, nagbabalik"

Napayuko naman ako, ano nga namang ieexpect ko, ilang buwan ata akong nawala sa kumpanyang ito bago. Boom! Pagbalik ko dito ay kasama kopa ang Mismong Ceo ng kumpanya.

"Get back to your work, before i'll fire you all" banta ni Dyke sa mga ito, nagulat naman ang mga ito at dali daling umalis.

Pagkadating namin sa Opisina ni Dyke ay laking gulat ko ng makita ko dito ang Painting, dito nya pala nilagay iyon.

"Dyke ano ba talaga ang magiging trabaho ko rito?" Hindi naman ako sinagot nito at nagumpisa na syang magtrabaho. Naupo naman ako sa may couch.

Ilang oras na ata ang lumipas pero nanatiling busy si Dyke sa mga papeles at Laptop nya. Habang ako naman dito ay walang ginagawa. Kaya lumapit na ako sakanya.

"Dyke, ano ba kasing magiging trabaho ko?" Tanong ko sakanya ng makalapit ako, pero hulat ko ng hilahin nya lang ako kaya napaupo ako sa kandungan nya.

"Dyke!" Sigaw ko at nagpupumiglas sa kanya, pero hinikpitan nya lang ang pagkakayakap nya sa akin at nagsimula nang magtype sa Laptop nya.

"Dyke!" Tawag ko ulit dito.

"This is your work, sa Loob ng Opisina ko. Ang daming natingin sayo sa Labas, your work is just kiss me to make me energize" sagot nito nang hindi manlang natingin sa akin.

Anong? Balak nya lang akong paupuin at pagpahod na sya hahalikan ko sya? Abugh!

"Ano ako kissing machine?!" Bulalas ko dito, nagkibit balikat lang ito sa akin.

"Ewan sayo Dyke! Bahala ka dyan!" Sabi ko at nagpumiglas ng sobra, laking tuwa ko naman ng mabitawan nya ako at tuluyan akong nakalaya. Dare-daretso ako palabas ng Opisina nya, ni hindi ko pinansin ang pagtawag nya sa akin.

Pagkalabas ko naman ng Opisina nya ay saktong dati kong department ang bumungad sa akin.

"Miericka!" Pagtawag sa akin ni Jasmin, sya ang katrabaho ko na naging malapit na'rin sa akin. Dahil halos palagi kaming sabay nagoovertime sa trabaho.

"Jasmin!" Pagbawi ko ng tawag sakanya at niyakap sya.

"Kamusta kana? Ang tagal mong nawala pinagalala mo ako" pangangamusta nya sa akin. Ngumiti naman ako dito.

"Ayos lang ako" sagot ko.

"Syempre, ayos kalang ikaw ba namang nasapiling ni Mr. Lawton" sagot ni Rebbecca, isa ito sa katrabaho ko.

"Pano mo ba sya nakapiling? Inakit mo ba?" Panggagatong naman ni Yesa, kaibigan ni Rebbecca.

"Balita ko, ampon ka ng mga Castro, so sad tinakwil ka. Kamusta naman ang walang apelyido?" Pagtatanong ni Rebbecca.

Bigla naman silang natahimik at natigilan kaya tumingin ako sa nasa likod ko, si Dyke ang nanduon.

"Sir, sya ang nauna. Binantaan nya na papalayasin nya daw kami sa trabaho kasi kinaaway namin sya dati" pagsusumbong ni Rebbecca at maluha luha na ito.

"Sila ang nauna Sir" pagtatanggol sa akin ni Jasmin.

"I've see and heared everything, how dare you to belittle and disrespect Saymin!" Pagalit na sigaw ni Dyke, agad naman itong lumapit sa akin.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Dyke, bigla namang kumalma ang itsura nya. Tumango lang ako dito.

"You two! Your fir—" hindi na natuloy ni Dyke ang sasabihin nya ng hilahin ko na sya, sa una ay ayaw pa nitong sumama pero hinila ko na sya ng maigi, ayokong dahil sa akin ay may mawalan ng trabaho.

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon