Chapter Fifty

2.2K 51 0
                                    

Miericka Saymin's POV

Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat, magaling na 'rin si Dyke, nagtratrabaho na nga eh! Samantalang ako tengga na naman dito sa mansion nya.

Taga-alaga ata ng mansion nya ang trabaho ko 'e. Nakakainis sya! Sumasama ako kanina pero ayaw nya akong isama. Abala ako dito sa salas nagpupunas ako ng mga pigurin ng bumukas ang pinto at iniluwa nun si Dyke.

"Saymin" tawag nito sa akin, kaya napatingin naman ako sakanya. Sinenyasan nya akong sumunod sakanya na sya namang ginawa ko. Maya-maya lang ay nakarating kami dito sa Garden ng mansion nya, naupo sya sa beach kaya tumabi ako dito.

Agad naman nitong inilapag sa balikat ko ang ulo nya, sanay na ako. Tuwing uuwi si Dyke galing sa trabaho ay ganyan yan, naglalambing na parang ewan, teka! Ang aga pa ha! Bakit naandito na agad to? Hindi naman ito ang oras ng normal nyang uwi.

"Ang aga mo ata umuwi" pagbabanggit ko dito, tahimik lang ito at hindi sumagot sa akin.

Laking gulat ko ng pagtingin ko sa baba ay may hawak na itong lagyanan ng sing-sing, binuksan nya iyon at kitang kita ko ang isang gintong singsing na may bato sa gitna.

"Marry me Saymin" seryosong sabi nito, napatangga naman ako. A-ano daw? Marry him?

"Marry me" paguulit nito, pero taena! Loading pa ata ang utak ko ngayon. Bakit ganto to magyaya ng kasal?

"Tsk!" Inis na sabi nito at hinagis ang sing-sing, nanlaki naman ang mata ko sa ginawa nya! Sayang yun!

"Bakit mo tinapon? Ang mahal nun for sure! Hala ka sayang pera!" Sunod sunod na sabi ko dito, pero inis na inis ang mukha nito ng makita ko sya. Pagkatapos ay mabilis syang nawala sa harapan ko. Pero yung sing-sing! Hahanapin ko nga muna.

Bandang, bandang kanan yun hinagis ni Dyke! Nasaaan na kaya? Baka naman nasa damuhan yun? Or sa dahon. Baka naman napalakas yung hagis ni Dyke kaya napunta sa bulaklak!

Ano ba naman oh! Bakit kasi ang laki ng garden ni Dyke, ang hirap tuloy maghanap. Ang liit pa naman nung singsing!

A few hours later...

"What are you doing?!" Pagtatanong ni, Dyke. Bumalik pala ito. Takhang takha ang mukha nya.

"Naghahanap ng singsingna binato mo" sagot ko dito at bumalik na ulit sa paghahanap.

"Get up" utos nito, pero hindi ko sya sinunod. Kailangan kong mahanap yung singsing sayang naman eh!

Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinila ako nito patayo, muntik pa nga akong maout of balance dahil dito eh!

"Ano ba! Nakita mong hina—" ni hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng walang pakundangan ako nitong halikan.

Nang bumitaw sya sa halik ay tinignan nya lamang ako.

"Why are you finding that ring? I taught you dont want that ring" sabi nito sa akin, wala naman akong sinabing ayaw ko eh! Saka masama bang hanapin yun?

"Ah—eh sayang kaya mukhang mamahalin pa naman" sagot ko dito at nagpagpag ng damit ko, may mga lupa kasi ito.

"You really don't want to marry me?" Pagtatanong nito, ako? Papakasalan sya? Pero parang ang bilis naman ata.

"Hi—hindi naman sa ganun" mahihiyang sagot ko dito. Tinignan ako nito na parang tigin na gusto nya pang dagdagan ko ang sagot ko.

"Nabigla lang ako" sagot ko dito, ngumiti naman ito sa akin.

"You don't need to find that ring, let just replace it. Come with me" pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ki at hinila na ako, ano daw replace? Pero sayang saka— pumayag ba akong magpakasal sakanya?!

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon