Epilogue

3.1K 62 2
                                    


Miericka Saymin

Sa loob ng tatlong taon, matapos kong makalabas sa hospital ay sa Mansion ako ni Dyke nanuluyan, yun ang sabi ni Butler Ruin na habilin daw ni Dyke. Pero ayos narin naman sa akin, Dito nya akong gustong tumira, dito nga ako iniwan. Dito nya rin siguro ako babalikan? Pero ang tanong may balak ba syang bumalik? May balak ba sya na balikan ako?

Si Butler Ruin ay nanatili sa tabi ko, na pinagtataka ko paano si Dyke? Diba lagi nyang kasama si Butler Ruin? Kahit kulitin ko si Butler Ruin kung ano o sana ba nagpunta si Dyke ay palagi lang nitong sinasabi na hindi nya alam, na wala na syang contact dito kahit alam kong meron parin.

Nanirahan ako sa Mansion ni Dyke, Ito parin, ito yung Mansion nya, walang pinagbago, pero ramdam ko ang pagkakaiba. Kasi wala na si Dyke. Wlaang body guards na nakapalibot, yung mga maids ay wala narin, wala rin kasi akong maibabayad sa kanila. Tanging ako nalang ang nakatira sa isang malawak na mansion.  Kahit sabihing tatlong taon na ako dito, hindi parin maubos ang luha ko sa tuwing papasok ako sa kwarto namin ni Dyke, may mga pagkakataon nga nakukuha ako ng damitnya para lang yakapin.

Freedom? Ayoko na nun simula ng makilala ko si Dyke, mas gugustuhin ko nalang na ikulong nya ako basta nandito sa sa tabi ko. Uuwi sya para sa akin katulad ng dati.

"Aalis na tayo Iha, baka malate ka" pagpapaalala sa akin ni Butler Ruin, hindi ko alam kung bakit nanatili parin sa akin si Butler Ruin tinapat koan ito na wala akong ipapambayad sa kanya pero ngumingiti lang ito sa akin.

"Sige po, sunod nalang po ako sa garahe" saad ko, pupunta ako ngayon sa isang art exhibit, this time its mine. Mga pinta ko ang nasa exhibit, Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang aabot ako sa ganito. Nagsimula ako sa wala, yung mga naiwan na pintura sa Kwarto ko na bigay ni Dyke ang ginamit ko, sa pagpipinya ko binuhos lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko naman inexpect na magugustuhan ng iba ang mga pininta ko.

"Ayan na si Ms. Freida!" Rinig ko ang pagkakagulo sa labas, nandito na ako ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang art exhibit ko.

Freida, matapos kong makalabas ng hospital ay inabot agad ito sa akin ni Butler Ruin, ang birthcertificate ko. Ako si Miericka Saymin Freida, ang anak ni Mr. and Mrs. Freida. Nadalaw ko narin ang puntod ng nga magulang ko. Walng sinabi si Butler Ruin kung kanino haling ang mga iyon pero malakas ang kutok ko na sakanya yun galing.

Nang bumaba ako sa sasakyan, sumalubong ang mga ilaw galing sa camera ng mga media nanatili ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa makapasok ako sa lugar.

Medyo marami narin ang nasa loob ng exhibit, may ilang naguusap. May ilang naglilibot at nandito rin ang mga kauri ni Dyke, i mean mga mayayaman na willing gumasta ng malaki para sa painting.

Nagserve narin ng mga champaige, inalok pa ako ng isa pero umiling lang ako.

Nang matapos kong iwelcome ay magpasalamat sa lahat ng bisita ay nagikot-ikot narin ako.

Pinakatitigan ko ang pinakamalaking painting na nagawa ko, kuhang kuha ko ang itsura nya dito. Malamig na mga mata. Maputing kulay ng balat, mapulang labi at ang kanyang maayos na pagkakaupo. Napangiti ako ng makita ko ulit sya, makita ko ulit sya sa painting. Ito ang una kong natapos simula ng makauwi ako galing sa hospital.

Bago pa ako tuluyang maging emosyonal ay naglakad na ako para makita ang iba kopang pininta. Marami-rami narin ang may sign na Pula ibig sabihin ay sold na ito, na ikinatuwa ko.

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon