Chapter Forty-Seven

2.1K 52 0
                                    

Third Person's POV

Nang matapos ang tawagan nina Dyke at Saymin ay agad na may tinawagan ulit si Dyke, base sa nakalagay na pangalan, ang kanyang tinawagan ay ang private investigator nya.

"Please get some infos about Mr. and Mrs. Castro, and also find Miericka's biological Parents. I need it asap" dare-daretsong sabi ni Dyke pagkatapos ay inend na ang tawag.

Nang pumunta kasi sila sa ampunan ay maynalaman sya tungkol sa madreng nakausap nya, isang sekreto na gusto nyang madagdagan pa.

Miericka Saymin's POV

Nakaready na ang lahat, nagluto ako ng ulam, kare-kare at adobong manok. Tinulungan naman ako ng chef ni Dyke sa pagtuturbo ng manok.

Ang decoration naman ay isang simpleng banner na ' Welcome Home Dyke' pagkatapos ay ilang banderitas. Syempre tinulungan ako ng mga nagtratrabaho kay Dyke dito sa bahay.

Naandito ako ngayon sa harap ng pinto ng kwarto ni Dyke, pinauna ko nang pinapasok si Butler Ruin.

"Where is she?" Rinig kong sabi ni Dyke, kinuntsaba ko kasi si Butler Ruin, kasalukuyang naka in call kami. At rinig na rinig ko tuloy ang boses ni Dyke, ang kwarto kasi ni Dyke ay soundproof kaya buti nalang naisip ni Butler Ruin ito.

"Hindi daw sya makakapunta Young master" sagot ni Butler Ruin, pigil naman akong natatawa habang narinig ko ang sagot ni Butler Ruin, nasa plano rin kasi namin ito.

"Why?! She didnt miss me?" Pagtatampo ni Dyke, base kasi sa boses nya ay parang galit ito na nagtatampo.

Maya-maya ay may narinig ako nahinagis, at ang malala rinig ko rin ang pagkabasag nun. Kaya agad agad na akong puamsok sa kwarto ni Dyke.

"Saymin?" Tanong nito sa akin, tila hindi pa nga makapaniwala eh.

"Bakit? Bakit ka nagbabasag dito?" Pagtatanong ko sa kanya, lumapit naman sya sa akin habang hila hila ang dextrose nya, kinabit na pala ito muli sa kanya.

Niyakap ako nito, kaya wala akong nagawa kundi yakapin sya pabalik.

"I hate this" pagsusumbong ni Dyke pagkatapos ay itinuro ang Dextrose nya, napangiti naman ako para kasi itong batang nagsusumbong sa nanay nya.

"Mawawala na rin naman yan mamaya" sabi ko dito, nakaupo kami ngayon sa kama nya.

"Saymin" tawag nito sa akin kaya napalingon ako, pero ang paglingon ko pala ang magiging rason ng paglalapat ng mga labi namin.

Tumagal ang halik ng 11 seconds at parehas kaming bumitaw kasi nawawalan na kami ng hangin, aga dnamang namula ang mukha ko. Kahit kasi ilang beses nya na akong nahalikan ay tila hindi parin ako sanay.

Maya-maya ay dumating si Butler Ruin, kasama nito ang isang nurse. Tinanggal ng nurse ang dextrose ni Dyke at pagkatapos sinabi nitong pwede na daw kaming lumabas, naayos narin daw ni Butler Ruin ang bill kaya ayos na.

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon