Chapter Forty-Six

2.2K 50 0
                                    


Miericka Saymin's POV

Sabi ng Doctor ni Dyke ay pu-pwede na daw itong lumabas bukas, kung si Dyke nga ang tatanungin nyo ay baka nung nangising sya ay gusto nya nang lumabas mabuti nga at napigilan eh! Hilahin ba naman ng bara-bara yung dextrose nya.

Flashback

"Let's go home" sabi nito sa akin at tumayo, agad ko naman itong pinigilan at umupo sa tabi nya.

"Hindi pa pwede saka kakagising mo lang eh!" Pagsesermin ko dito, nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"Just, get me a glass of water" utos nito kaya agad ko namang isinunod, pero pagbalik ko ay saktong kitang-kita ko kung paano alisin ni Dyke ang dextrose nya, basta basta nya lang iyon hinila at hindi manlang bakas sa mukha nya na nasaktan sya sa ginawa nya.

"Jusq naman Dyke! Nakakainis ka, ano masakit ba? Nakakainis ka sinabi nang bahala ka nga kung ayaw mo gumaling bahala ka! Dahil sa ginawa mo lalo kang magtatagal dito" sermon ko dito pagkatapos ay umalis na ako ng room nya.

End of Flashback

At pagkatapos nun ay hanggang ngayon ay hindi parin ako nabalik sa hospital, kasalukuyan akong nasa mansion. Pagkatapos ko kasi mainis kay Dyke ay dumaretso ako dito sa mansion.

Kahit na sabihin na nating inis ako kay Dyke ay ito pinaghahanda ko parin sya ng welcome home party, inaasikaso ko ang mga bibilhin ko mamaya at ang iluluto kong pagkain, saka narin yung mga decorations. Alam rin ito ni Butler Ruin at nakiusap ako na wag sya magpahalata kay Dyke.

Nang lumabas ako ng mansion para mamili ay tanghali palang, pero tila nawili ako kasi gabi na ngayon. Ang tagal ko palang namili dito sa Mall, ni hindi ko manlang namalayan ang oras.

"Where the hell are you?!" Yaan ang bungad ni Dyke pagkasagot ko ng tawag nya, bipolar talaga to.

"Lumabas lang" sagot ko dito, narinig kong bumuntong hininga ito.

"Kelan ka babalik dito?" Rinig ko parin ang galit sa boses nya.

"Ewan ko" simpleng sagot ko dito, napagisipan ko kasing hindi muna bumalik duon sa hospital ngayong araw. Balak kong bukas nalang bumalik para sunduin sya at para narin masuprise sya pagbalik namin ng mansion.

"Okay" maikling sagot nito, akala ko naman ay ibababa na nito ang tawag pero hindi nya parin binababa, hindi ko rin naman binababa kasi hahayaan kong sya ang gumawa nun.

"May sasabihin ka pa ba Dyke? Malapit na ako sa mansion" pagkwekwento ko dito, nanatili parin itong tahimik.

May kausap pa ba ako? Baka naman tinulugan na ako nun? Or baka naman nakalimutan nya lang iend ang call.

"I miss you already Saymin" sabi sa kanilang linya at inend na ang tawag.

Tama ba iyong narining ko? Si Dyke ang nagsalita nun diba, bakit ba napakabipolar mo Dyke! Kanina lang ay galit ka bago ngayon miss mo na ako?

The Bipolar Ceo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon