Chapter 10

63 7 0
                                    

"SIGURADO kang sa lugar na ito nakatira ang Lady Shi?" tanong ni Maxim habang nagmamaneho.

Nasa passenger naman si Dirk at nasa backseat si Dawn. Nagdala sila ng mga armas para kung sakaling kinailangan nila 'yon ay may magagamit sila.

"Oo," siguradong ani Dirk at sinara na ang laptop.

"Paano ka nakakasiguro?" naninimbang ang tinig ni Maxim na nagsalita sa lenggwahe.

"Dahil ako si Dirk," sagot naman nito sa kanilang lenggwahe.

"Psh, can you two shut up and please keep quiet?" pagsusungit ni Dawn sa kanilang lenggwahe.

Hindi makapaniwalang lumingon sa kaniya si Dirk. "Nagsasalita ka pa rin pala ng Japanese? And you're fluent."

Tumango lamang si Dawn at hindi nagsalita. Hindi niya alam kung paano siya haharap sa ina, dahil iniwan niya ito noon nang mag-isa at ngayon lang bumalik. Eh, sino ba naman kasing hindi maniniwala na patay siya gayong halos katabi niya lang ang bombang 'yon?

Flashback

"Lady Shi! Lady Shi!" tawag ni Dawn sa ina.

Narito sila sa mansion kung saan kinulong sila ng kaniyang Lolo pagkatapos nitong malaman na nabuntis si Lady Shi, na magkakaroon ng pinakamataas na Oyabun.

"Highest Oyabun," mariing tawag sa kaniya ng ina. Katabi nito ang bomba na plinanta ni Shi, ng kaniyang Lolo. "Escape now."

"What? But I can't leave you!" rumagasa ang luha ni Dawn at sinusubukang patayin ang bombang 'yon.

"Jiyuri Dawnysus! Listen to me!" galit na sigaw nito. Hindi ito makagalaw dahil sa tali na nakapalibot dito. "Shi will kill you because one day you'll be the highest," malamig na sabi nito.

Nanlamig ang katawan ni Dawn at napatitig sa ina niya. "W-What do you mean, L-Lady Shi?"

"Your tattoos show who you are, Dawnysus. Shi didn't know that I am pregnant and that's you. He cannot accept you because if you exist, his position will be lower than yours."

"L-Lady Shi—"

"I trained you to be strong. To fight for the right," mariing putol nito sa kaniya. "You better leave now, Jiyuri Dawnysus. Escape."

"M-Mom—"

"Highest Oyabun!"

Walang maintindihan si Dawnysus dahil sa edad na sixteen ay nararanasan niya ang mga ito.

Naiyak lamang si Dawnysus nang wala siyang magawa para sa ina.

"What are you waiting for?! The bomb is about to explode, Jiyuri!" sigaw ng ina niya para matauhan siya.

Umiiyak siyang tumango at tumakbo palabas. Nakikita niya ang mga taga-sunod ng Lolo niya na hinahabol siya. Pinaapuyan ng mga ito ang kalahating bahagi ng mansion. Naharangan ng apoy ang mga pwede niyang daanan kaya naman wala siyang magawa kundi labanan ang mga ito. Hand versus gun. Naging madali sa kaniya ang paglaban dahil naging magaling siya sa mga tinuro ng ina niya. Nang malampasan niya yon ay niyakap niya ang sarili, nagdadasal na wag masunog ang katawan at patakbong nilusob ang apoy. Pagkalabas niya ay may nakaabang na mga taga-sunod muli ni Shi at agad niyang tinalon ang bubong na nadaanan niya. Pumasok siya sa loob ng bahay na 'yon na pagmamay-ari ng isang lalaki.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now