Chapter 59

54 4 0
                                    

MARTIN'S POV

NATAPOS ang pagkain namin at bumalik kami agad sa kwarto para mag-impake. Nag-aayos na kami ng maleta nang may tumawag kay Jiyuri.

"Baby," tawag niya sa akin. Ah, shit. Yung puso ko sasabog! "Sasagutin 'ko lang 'to."

Tumango ako at ngumiti. "Sure, sino ba 'yan?"

"It's Jamie, baka may sasabihin," aniya kaya tumango ako.

Bahagyang lumayo siya sa akin, pumunta sa may bintana, hindi naman ganoon kalayuan. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip tuwing mapapatitig sa kaniya. Mula kay Jaxine na akala ko, siya na ang pinakasuccessful sa Santiago... hindi pala. Siya ang pinakasikat na businesswoman, matalino sa negosyo tapos naging asawa ng kaibigan kong si Matthew.

Sumunod ang nakilala ko, si Jamie. Siya yung ayaw tumatapat sa camera. Siya rin yung pinakainosente ang muhka pero kakaiba ang trabaho. Kahit na ganoon, humahanga ako sa kaniya dahil maraming charities ang binibigyan niya ng malaking pera... tapos pinakasalan ang kaibigan ko ring si Marco.

At sina Jayden at Jiyuri, ang magkamuhkang magkapatid. Sa totoo lang, kung i-le-label ko sila, pwede silang maging isa. Dahil kabisado nila ang isip ng isa't isa, alam nila ang bawat galaw ng isa't isa...at ang pinakamaganda sa kanilang dalawa, mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi man nila sabihin sa isa't isa, nararamdaman ko yon. Tapos kasal pala ako kay Jiyuri... sobrang hindi ko inaasahan na siya ang asawa ko.

Hindi ko alam na magbabago nang ganito ang buhay ko. Parang dati lang, nasa Visayas ako, nakikipaglokohan sa mga tropa ko. Hindi ko alam na magiging ganito ang buhay ko. Buhay ang magulang ko na matagal kong pinagluksaan. Napaka-unexpected ng buhay ko. At mas lalong di ko inaakalang ganito kayaman ang asawa ko. Para tuloy akong daga.

"Kailangan talaga ako riyan? Bakit hindi kasi ikaw gumawa?" dinig kong sabi ni Jiyuri, may iritasyon ang boses. "Oo na, buntis. I-record mo boses ko? Ngayon na? Nasaan ka ba? Batangas pa ako, gago ka." Halos matawa ako sa mura niya! Napapakamot pa siya ng ilong at halatang ayaw sundin ang sinasabi ng pinsan. "Nasa Deluxe ka? Ang layo, potangina. Ulul, magsasayang pa ako ng gas? Ikaw ba may sagot? Balik mo sampung milyon ko?" napailing ako nang marinig na naman ang tungkol sa milyon-milyon na parang piso lang sa kanila.

Nasulyapan ko si Jiyuri at ayun siya, may kinakalkal sa cabinet sa dulo. "Gago, sagot mo talaga gas ng chopper ko. Game nga?" nakita kong susi ang kinuha niya roon. "Ilang oras ba record— potangina mo, sagot mo nga gas ng chopper! Kulit ah!"

Chopper? Sabagay. May yate, submarine, mansion, golds, diamonds, mala-Titanic na barko nga mayroon siya, magtataka pa ba ako sa chopper?!

"Send mo muna sa bank, ngayon na. Ginagancho mo ako, e. Ulul kang buntis ka! Ngayon na! Bye!"

Matapos niyang makipag-usap, humarap siya sa akin at naglakad palapit. Nang makalapit siya'y agad niya akong niyakap.

"Kamusta ang usap niyo?" tanong ko at niyakap siya pabalik.

"I need to go to Manila," she said and sighed. "It's about mafia business. May tinulungan lang ako."

"Kasali ba yon sa Y. Org?" tanong ko at hinaplos ang buhok niya.

She shrugged. "Kind of? Hindi ko sila hawak sa leeg. Pero may investments kami sa isa't isa."

"So they don't know about you?"

"Their leaders do. Pero yung may mission sa kanila ngayon, hindi siguro," sagot niya at sinubsob ang muhka sa dibdib ko kaya napahiga kami sa kama. "Ang bango mo naman?" aniya at sinilip ang muhka ko.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now