Chapter 12

60 4 0
                                    

"THIS IS COOL," usal ni Dirk nang nasa kalagitnaan sila ng byahe.

"Of course. The owner of the plane you're riding is the best-"

"Yeah! Yeah!" sumusuko ang tinig nito at uminom ng canned beer.

Nasa maluwag na parte si Dawn. Nasa harapan niya naman ang magkatapat na sina Maxim at Dirk. Nalilibang si Maxim sa tinatanaw habang si Dirk ay walang ginawa kundi kumain at uminom.

Napabuntong hininga si Dawn at sinubukan matulog. She hasn't sleep for days! At dahil wala siyang dalang kahit anong gamot ay madalas inaatake siya. Hindi siya nakakatulog at nakakapagpahinga.

Pumikit si Dawn at sinubukan muling matulog.

"Hija... anong pangalan mo? Bakit ka narito sa labas?" ani ng isang ginang sa dalagang si Dawn.

Umuulan nang kaylakas. Tila hindi ito papaawat. Sumasabay 'yon sa puso ni Dawn. Nakatapat siya sa napakalaking mansion, naghihintay lamang at nakatitig doon.

"Hija... nasaan ang mga magulang mo? Kanina ka pa pinapaalis ng mga katulong ko pero ayaw mo raw umalis. Bakit ka narito?" yumuko ang ginang para tignan siya. Nakapayong ito at hinatian siya roon.

Tumitig siya sa ginang na 'yon. "You must be Mrs. Santiago? I'm sorry but I am not fluent in your language," pagpapaumanhin niya na ikinagulat ng ginang.

"A-Ako nga 'yon," anito nang makabawi. "Come with me..."

Inalalayan siya nito. Hindi alintana ang basang basa niyang katawan, hinawakan pa rin ni Mrs. Santiago ang balikat niya at mas inilapit upang mapayungan.

'My mother does not do gestures like this...'

"My God... who are your parents? Why did they let you— Oh my!" naputol ang pagsasalita ni Mrs. Santiago nang makita ang kabuuan niya sa tapat ng liwanag nang marating nila ang salas. "J-Jayden? W-Wait, no! Y-Your eyes are different— w-who are you? Y-You.. really look like my d-daughter..."

Nangunot ang noo ni Dawn sa kaniya. "Daughter?"

"Yes-"

"Mom! I have been looking for you! Saan ka ba nagpunta?! I'm gonna show you my new songs— what the hell?!" tumakbo palapit si Jayden sa ina pero napahinto siya nang makita si Dawn. "Y-You.. m-me... w-wait! Who are you?!"

"Bakit ba kayo sumisigaw? Gabi na! Why are you all shouting— w-what..." ayon naman ang isang hindi katandaang lalaki, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. Magkakamuhka silang tatlo. Nila Jayden. 'Yon nga lang ang kaibahan ay babae sina Jayden at Dawn.

"Do you have a towel here? I'm cold," walang emosyon niyang tugon.

Nawala sa ulirat si Mrs. Santiago at pinatawag lahat ng katulong upang asikasuhin siya. Binigyan siya nito ng mga damit at tuwalya. Pinaligo naman siya at pinasamahan kay Jayden.

"Our eyes are different.. and we look like twins. But I'm sure we're not twins," ani Jayden nang makalabas siya. "Why do you look like me?"

"I don't know," tila walang interes na sagot ni Dawn.

"Why?" nangungulit ang tinig ni Jayden.

Dawn looked at her flatly. "Can I ask you a question?"

"Yeah, what is it?"

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now