Chapter 53

41 2 0
                                    

JAI'S POV

I CAN SEE it from here. Kung paano siya i-torture ng sarili niyang lolo. Halos maiyak ako sa panghihina dahil wala akong magawa para tulungan si Jiyuri. Hindi ko alam ang gagawin. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig habang pinapanood lang na kuryentihin siya!

Pumipiglas ako at lumuluhang nakatitig kay Jiyuri na ngayo'y puro sigaw at hiyaw sa sakit!

"Ahh! Putangina!" napapamura niyang sigaw. Naliligo na siya ng dugo tapos muli pa siyang binuhusan ng tubig!

"That's enough!" umiiyak kong sigaw. Nakangising lumingin sa akin si Shi. "Fuck you! Fuck you so much! I will kill you!"

Tinawanan niya lang ako. Ang panggigigil ko ay mas lalong nag-iigting. Nanghihinang tumingin si Jiyuri sa akin at ngumiti.

"Calm... down," she mouthed. "A-Aacck!"

Napaawang ang labi ko at mas lalong hindi kinaya ang nakikita. Umiiyak ako habang nakatali. At si Jiyuri... nagawa niya pang sabihin na kumalma ako?!

Jiyuri... Mas lalo akong napaiyak nang mas lalo pang lumakas ang pagkuryente sa kaniya at halos hindi na siya makasigaw. Hindi ko na siya kayang tignan kaya naman yumuko ako at doon nalang umiyak ng umiyak.

Napatingin ako sa pinto. Nakabukas yon. Napabalik ang tingin ko kila Shi, tuwang tuwa pa rin sila na nanghihina na si Jiyuri, pati ang mga tauhan nito ay tumatawa. Nakapalibot sila roon at hindi ako binabantayan.

Sinilip ko muli ang pinto at nakita ko roon si Doz! Isa siyang galing sa Underground at hindi ko alam kung bakit niya nilalagay sa peligro ang sarili niya!

May gusto nga pala siya kay Jiyuri.

Sinenyasan niya akong huwag mag-ingat na ikinatango ko. Nakita ko rin ang sapatos ni Maxim sa likod niya kaya napagtanto kong hindi siya nag-iisa. Nagawa kong kumalma nang makita sila, hindi ako nagpahalata at yumuko.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang putukan ng baril! Pinasok na nina Maxim at Doz ang kwartong yon! Maagap naman silang sinugod ng mga tauhan ni Shi!

Si Shi naman ay nagugulat na napatingin sakanila!

"H-How-" hindi niya matuloy ang sasabihin at napamura sa lenggwahe namin.

Napangisi ako. Pero agad akong naalerto nang bigla niyang hilahin si Jiyuri dahilan para masakal ito sa bakal na nakakabit sa lee niya!

"F-Fuck—" nahihirapang bulong ni Jiyuri!

"Si Jiyuri!" sigaw ko para makita nila Maxim ang ginagawa ni Shi.

Binaril naman ni Doz at asintadong asintado ang bakal na nasa leeg ni Jiyuri, nakakawala ang leeg ni Jiyuri at nabaril ang kamay ni Shi!

"Ah!" daing ni Shi sa sakit at bumawi ng bala kay Doz!

"Old," pang-aasar ni Doz at binaril din ang mga bakal na nasa paa ni Jiyuri upang makakawala siya.

Hindi pa rin makatayo si Jiyuri kahit na wala na siyang mga bakal. Nilapitan siya ng isang tauhan ni Shi at parang basura na sinampay sa balikat niya!

Pumunta si Maxim para i-untie ang lubid ko at barilin ang mga bakal na nakakabit sa akin. Nang makakawala ay agad akong bumunot ng baril sa tauhan niyang patay na.

"Tanginaka!" sigaw ko at pinagbababaril si Shi pero agad nila yong naiilagan!

Gulat pa ako nang makitang may isa pang pinto sa kwartong yon! Nahihirapan kaming sundan sila dahil mabilis silang tumakbo at nakikipaglaban pa ang maraming tauhan!

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now