Chapter 11

55 6 0
                                    

NAKITA ni Dawn na papasok na si Martin sa receiving area at bumalik na ang tingin niya sa ina.

"Hindi niya ako dapat na makita rito, aalis na kami ng mga kaibigan ko," akma na siyang tatalon sa terrace nang magsalita pa ang ina niya.

"Your followers," mariing pagtatama ni Lady Shi sa kaniya. "At bakit hindi mo pa palitan ng Maxim Jiyuri at Dirk Jiyuri ang mga pangalan nila? Sila ang taga-sunod mo," dagdag pa nito.

"Maxim and Dirk are my friends. They're just not a followers."

"Oh, come on. Malambot ang puso mo, Jiyuri. At kung patuloy yan, sa labanang ganito ay hindi ka mananalo," malamig na ani Lady Shi. "Ikaw ang pinakamataas sa lahat pa nang matataas, bakit ka pumayag na magpanggap na si Jayden Dawn?" matigas na tanong ng ina niya. "Akala mo ba hindi ko malalaman? Jayden Dawn Douglas Santiago, huh? Doyoku ka, Jiyuri! Lason ang dugo mo tapos magpapanggap kang ibang tao?"

Matalim na tinignan niya si Lady Shi. "Edi sana hindi niyo ako pinanganak. Dahil hindi magkakaganito ang buhay ko kung hindi sa pagkakamali niyo," mabilis niya itong tinalikuran nang makitang naglalakad na palapit si Martin at inaaninag siya.

"Ninang-"

Narinig niya ang tawag ni Martin sa ina niya at tuluyan na siyang tumalon sa terrace na 'yon.


"Ninang!" tawag ni Martin.

Lumingon naman si Lady Shi sa kaniya may hawak ng wine. "Oh, Ricca's son. Dumating ka na pala..." nakangiti siya nitong sinalubong.

Napakamot si Martin sa ulo at tinanaw muna ang terrace na tinalunan ni Jayden Dawn— este hindi ko pa alam kung sino talaga siya. Bakit siya narito?

"Sorry, Ninang. Medyo na-delay ang flight ko," pagpapasensya ni Martin. "Ang weird pa rin po ng security niyo... Ay, Ninang... Kilala niyo po pala si Jayden Dawn?"

Nawala ang ngiti sa muhka ni Lady Shi. "She's not Jayden Dawn, Martin..." anito sa kaniya.

"P-Po?" nabingi siya!

Lady Shi just smiled. "Have a seat," aniya at minuwestra ang upuan saka rin umupo.

"B-Bakit niyo po pala ako pinatawag?" naka-half smile si Martin nang sabihin niya 'yon.

Sumeryoso si Lady Shi at bumuntong hininga. "I am very close to your mother. Alam mo yan..."

"O-Opo."

"At hindi ako napagod na imbestigahan ang kaso ng mga magulang mo."

"Pero sabi ng mga pulis ay aksidente-"

"Hindi aksidente ang nangyari kila Ricca," putol ni Lady Shi at binigay ang isang envelope sa kaniya. "Nariyan lahat nang nakalap ko tungkol sa pagbangga ng truck. Binayaran 'yon upang sadyain ang pagkamatay ng mga magulang mo."

Napipilang tumitig si Martin sa envelope na nasa kamay niya. Binuksan niya ang envelope at naroroon nga ang mga nagpapatunay na binayaran 'yon upang mamatay ang mga magulang niya.

"P-Pero... s-sino ang nag-utos niyon?" hindi makapaniwala at bakas pa rin ang gulat sa muhka ni Martin. "W-Walang kasalanan ang mga magulang ko! W-Wala silang nakaaway— b-bakit sila papatayin?! Ordinaryong tao lamang-"

"Ricco Martin," mariin na tawag sa kaniya ni Lady Shi. "Hindi ordinaryong tao lang ang nanay mo. Tinakas ka niya, pati ang tatay mo para hindi niyo maranasan ang buhay na naranasan namin noon."

"A-Ano?" nabibinging tanong niya.

Bumuntong hininga si Lady Shi at ngumiti sa kaniya. "Nakita mo ang babaeng tumalon sa terrace kanina?" tumango siya. "Ang Lolo niya ang nag-utos niyon."

"Si Jayden-"

"Hindi siya si Jayden Dawn," putol agad ni Lady Shi. "Alamin mo kung sino siya kung gusto mong malaman ang lahat." Bumuntong hininga ito. May kinuha siya sa bulsa ng itim niyang dress at nilapag yun sa harap ni Martin. "Ito si Jayden Dawn," tinuro niya ang unang litrato. Nakangiti ang batang nasa edad sixteen. "Ito ang babaeng narito kanina," tinro niya ang pangalawang litrato at nakita niyang magkaiba nga ang mga ito. Mas singkit ang mata ng pangalawa at hindi man lang nakangiti. Mas maputi ito kaysa sa totoong Jayden. Pero kaunting ayos lang dito ay parehas na parehas na sila.

Tama siya. Hindi si Jayden Dawn ang babaeng yon pero bakit kamuhkang kamuhka niya? At sino siya? Bakit siya nagpapanggap? Ang Lolo niya, bakit inutos na patayin ang mga magulang ko?

"THANKS, fucker," ani Dawn kay Flinton na iniabot ang pasaporte nina Maxim at Dirk.

"Tss, you should be thankful that you won the bet," inirapan siya nito.

"Of course I will win and I always win," pagmamayabang ni Dawn.

"Psh," singhal ni Flint.

"Don't tell Jamie this plan-"

"Why?"

"Just don't."

"You're getting creepier and creepier, Jayden Dawn, do I really know you?" nakangiwing tanong ni Flint.

Ngumisi si Dawn sa kaniya. "No, you don't."

"Yeah, right. Hindi na ako magtataka kung hindi naman talaga Jayden Dawn ang pangalan mo," biro sana 'yon pero natigilan siya sa sinabi ni Flint. "Hey?" he snapped.

Dawn just stared at him. "Thanks for this. I gotta go."

"Alright, bye."

"Bye."

Walang emosyong naglakad si Dawn pabalik sa kotse. Naghihintay lamang doon sina Maxim at Dirk.

"You got it?" tanong ni Dirk. "Hindi ba't private plane mo ang gamit natin, bakit kailangan pa ng passport?"

Umikot muna si Dawn at sumakay sa kotse, umupo sa backseat. "Maarte sa Pilipinas. At dahil hindi ka muhkang kati-katiwala, kailangan mo yan," umirap siya.

"Hindi ba talaga hilig ng mga taga-Underground na bumaba sa kotse habang binibigay ang item?" nakangiwing tanong ni Maxim.

Tumango si Dawn. "I know some of their rules. That's one of them, ang hindi pagbaba kung hindi naman kailangan."

"Weird," komento ni Dirk.

"At hindi pa siya yumuko sayo. Hindi ba nila alam kung gaano kataas ang posisyon mo?" iritadong tanong ni Maxim at nag-umpisa nang magdrive papunta sa airport kung saan bumaba si Dawn.

Bumuntong hininga si Dawn. "Wag niyo akong tatawagin sa pangalan ko kapag nakarating na tayo ng Pilipinas. At hangga't maaari ay tawagin niyo akong Jayden Dawn," pakiusap niya.

Ngumunot ang noo ni Maxim at napalingon sa kaniya. "'Yong sikat na gitarista ba kamo?"

"Ako 'yon," sagot niya.

"Pero ikaw si Highest Oyabun Jiyuri Dawnysus!"

"Ako nga 'yon. Pero sa Pilipinas ay Jayden Dawn Douglas Santiago ang buong pangalan ko."

"Bakit?" si Dirk ang nagtanong.

Napatitig na lamang si Dawn sa bintana at hindi na sumagot pa. Inisip niya na lang ang sasabihin ni Martin pag muli silang nagkita. Shit... magiging song writer/reviser pa naman namin ang lalaking 'yon sa banda. Paano kung namuhkaan niya ako kahit sobrang layo pa ng pwesto namin kanina?

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now