Chapter 19

52 4 0
                                    

BORED NA BORED siyang tinitignan ni Lady Shi.

"Ano? Tititigan mo lang ba 'yang gagong 'yan?" Nakangiwing tanong nito sa kaniya at humipak ng sigarilyo.

Dawn tsked.

Narito siya ngayon sa mansion na pag-aari ng ina niya. Hindi na siya magtataka dahil abot-langit nga naman ang kayamanan nito kaya hindi nakakagulat kung marami itong bahay at mansion, pag-aari nito sa iba't ibang bansa.

At ngayon, nasa harap niya ang lalaking nagpahirap sa pamilya niya.

Renzo fucking Apollo.

"Paano mo nakuha 'to?" tanong ni Dawn na tinuro pa si Renzo na para bang isang insekto lang.

Walang emosyong lumingon si Lady Shi kay Dawn. "He kidnapped his own son."

"What the fuck?" Napatulala siya sa lalaking walang malay sa harapan niya! "Ginawa niya 'yon makabawi lang saming dalawa ni Jamie?"

"Ano pa nga ba? Masyado siyang naadik kay Mari," nagkibit-balikat ang ina niya.

"Mari?" tanong ni Dawn.

"Asawa niya."

Oh. Hindi na siya magtataka kung gawin niya rin 'yon kay Martin— anong gawin? Ni-hindi niya nga ako kilala, e!

"Anong balak mo?" tanong ng ina niya nang hindi siya magsalita. "Kating kati na akong patayin siya."

Bumuntong hininga si Dawn. "Kakausapin ko muna si Jamie bago ako gumawa ng karumal-dumal na krimen. At isa pa, siya ang mas naapektuhan noong ginawa nila ni Shi ang plano nila."

"Tss. Mas naapektuhan ka, Jiyuri. Dahil nga doon kaya ka nagpapanggap diba?"

Napangiwi siya sa ina niya. Wala talaga siyang kwenta kausap.

"Tatawagan ko si Jamie at babalik ako rito kapag may gusto na akong gawin." Dawn said. "At palakasin mo siya. Gusto ko malusog yan pagbalik ko para sulit."

At habang pinapakinggan ang mga salita niya, unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi ni Lady Shi.

"Alright. I like that."

Tinapunan niya ng tingin si Renzo. Nag-iigting ang panga niya tuwing maalala kung paano naghirap ang pinsan niya dahil sa kagagawan ng lalaking 'to at ng lolo niya.

Papatayin ko kayong lahat. Papatayin ko kayong lahat!

Agad siyang tumalikod upang magpigil dahil baka mamaya ay mapatay niya nang wala sa oras itong hayop na lalaki na ito.

Habang palabas, lahat nang tauhan at mga bantay ni Lady Shi ay nakayuko sa kaniya. Nagbibigay-galang sa kataas-taasan.

Bumuntong hininga siya at sumakay sa mentol niya. Tsk. Angas ng motor ko! Napailing pa siya saka naghelmet.

Tinignan niya ang mansion ng ina niya. Marunong siya pumili ng bahay. Nakita niya ang ngisi ni Lady Shi bilang pamamaalam kaya naman pinaharurot niya ang motor pabalik sa condo.

AGAD SIYANG sinalubong ng mga sigaw ni Faye.

"Ano ka ba naman?! Gabing gabi na! Alam mong delikado sa kalsada at artista ka, Jayden! Alas dose pasado na-"

"Faye," putol ni Dawn sa kaniya.

Napaikot niya ang mga mata sa buong condo. Naroroon nakatingin sa kaniya ang mga kasama. Wala namang pakialam na nakaupo lamang sina Dirk at Maxim habang si Martin ay nakatitig sa kaniya nang seryoso.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now