Chapter 35

39 2 0
                                    

Dawn's POV

"Taraaaa! Kain!" Yaya ni Dirk sa akin sa kalagitnaan ng titigan namin ni Martin.

Umiling lang ako at naramdamang nasa likod ko na si Doz.

"Ayaw mo kumain? Daming pagkain," ani Doz at sinilip pa ang muhka ko.

"Ikaw na lang, busog pa ko sa kinain natin kanina." I said and looked back to Doz.

Nagkibitbalikat siya at pumunta sa kusina. Muhkang kakain nga. Napailing nalang ako at bumalik ang tingin kila Jai at Martin na nagyayakapan sa solo sofa.

"Ano ba, Martinnn! Nakikiliti ako!" Hiyaw ni Jai at humagikgik sa leeg ni Martin.

Yumapos naman si Martin at mas lalo siyang kiniliti. "Eto paaa! Hahahaha!"

Nag-igting ang panga ko at nanginginig ang laman ko. Pinakatitigan ko pa ang mga kamay nilang magkahawak pati ang muhka ni Jai na nasa leeg ngayon ni Martin habang tumatawa. Pag ako nainis isusubsob ko to. Tsh.

Tumalikod ako at saka lumabas ng unit. Sobrang naaasiwa ako sa nakikita ko. Hindi ko maatim tignan na nakikipaglandian sa iba yung asawa ko. Nakakaasar. Ang sikip sa puso. Bakit ganon?

Nakasandal ako sa pader na malapit sa pinto ng unit namin at napabuntong hininga. Paalis na sana ako sa pwestong yon nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Martin na may ngiti pa sa labi. Nagkatitigan kami saglit at nang tuluyan siyang lumabas ay nandoon si Jai sa likod niya.

"Uwi na ako..." ani Jai at nakangiti pa sa akin. "Baka gusto mo kumain sa loob, marami akong dala..." mayabang na sambit niya.

"Pake ko sa dala mo," mataray ngunit walang emosyong tugon ko.

"Can you please be nice to her? Kaibigan ko siya," singit ni Martin, malamig ang tingin sakin.

"So? She's not my friend," malamig na tugon ko sa kaniya.

Bumuntong hininga si Martin at hinawakan ang kamay ni Jai. "Tara, ihahatid na kita..." malambing na sambit niya rito.

Bigla akong nakaramdam ng inggit, sakit at halo-halong emosyon. Nilagpasan nila ako roon, may ngisi sa labi ni Jai at disappointment naman ang nasa muhka ni Martin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at bumagsak ang balikat ko. Bakit masakit?

Napasuntok ako nang malakas sa pader. Nanginginig ako sa inis. Gusto kong suntukin muhka ni Jai, pasabugin ko ulo nun e.

Pumasok ako ulit sa unit namin at agad na tumambad sakin ang lumalamon na mga kabanda ko pati si Doz.

"Magpapainom ako. Umorder na kayo ng mga alak," mahina kong sabi ngunit lahat sila napatingin sakin. Tumahimik silang lahat at nakatitig lang sakin. Kumunot ang noo ko. "Ayaw niyo ba?"

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni Zetteki. "Anong mayroon?"

"Wala, ayaw niyo ba?" Tanong ko ulit.

"Umorder na kayo, bilis!" Mabilis na sigaw ni Quizon. "Baka magbago isip nyan, minsan lang yan!" dagdag niya.

Agad namang pumunta si Jozya at Quizon sa telepono at tumawag para umorder.

Si Doz naman ay lumapit sakin. "Anong mayroon?"

"Wala. Let's just celebrate for nothing," sagot ko. Let's celebrate my broken heart.

"Broken ka ba?" Tanong ni Doz.

"Ako? Asa," nakangising sagot ko at pumasok ng kwarto ko. Maangas ko pang ni-lock ang pinto at napasubsob ako sa kama. Tangina nga naman.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now