Chapter 31

46 3 0
                                    

Dawn's POV

Hanggang sa paghiga ay nakangiti ako. Hindi ko malaman ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.

Napailing ako at tumayo aking kama. Hatinggabi na pero hindi pa rin ako tulog. Lumapit ako sa medicine's cabinet ko at kumuha ng mga gamot ko. Lagi ko nalang nakakaligtaan na may gamot pala akong iniinom.

At dahil ubos na ang tubig ko sa mini-ref sa kwarto ko ay naglakad ako palabas. Sumisipol pa ako at kay saya ko talaga ngayong araw. At ang lahat nang yon ay dahil kay Martin.

Napahinto ako sa paglalakad nang nakabukas na ang ilaw sa sala at tila ba may tao roon. Nakita ko naman si Martin na nakaupo sa tapat ng TV at may kausap sa telepono.

"Yes, Jai?" Batid kong nakangiti siya nang sabihin yon kahit pa nakatalikod siya sa gawi ko.

Jai? Hindi ba't pinsan ko 'yon? Magkakilala pala talaga sila...

Bigla ay parang kinurot ang puso ko at tuluyang nawala ang ngiti sa aking labi nang maalala ko kung paano sila naghalikan sa bar.

"Pupunta ka rito? Hindi pwede, gabing gabi na. Baka mapano ka pa sa daan," tugon ni Martin at halata boses nito ang pag-aalala.

Why are you caring for her? Is she your girlfriend?

Many things are running in my head now. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Kung gusto mo ay makipagkita ka sa akin sa coffee shop malapit sa bahay mo. Masyadong malayo kung dito ka pa pupunta, okay?" Suhestiyon pa ni Martin na muhkang sumang-ayon ang babae. "Okay. I'm on my way, wait for me." He said then stood up.

Nagulat siya nang makita ako sa pinto ko at nakatitig lamang sa kaniya. Parang kakasabi mo lang sakin na gusto mo ko... bakit makikipagkita ka?

'Eh ano bang karapatan ko? Asawa lang ako sa papel at hindi pa niya kilala.'

Hindi ko na siya tinignan pa at dumiretso sa ref. Kumuha ako ng isang pitsel doon at baso saka dumiretso sa kwarto ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Bigla ay nalusaw ang lahat ng kilig at saya ko kanina at malungkot na tumingin sa mga gamot ko. Mabuti pa 'tong gamot ko, ako lang gusto. Ininom ko na ang napakaraming gamot bago ko makalimutan.

Naging manhid ang puso ko at nagsimula na namang balutin ako ng kalungkutang matagal ko ng nilalabanan.

Bumuntong hininga ako at nagbihis. Kailangan kong mailabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. Tinawagan ko ang pinsan kong si Jamie.

"What do you want, asshole? I'm working!" Halata sa boses nito na busy nga ito at may ginagawa. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Kailangan ko ng ka-sparring." Walang emosyon kong sagot.

"Si Doz lang ang libre ngayong tauhan ko," tugon niya at narinig ko ang mga putukan sa paligid ng pinsan ko. "Fucking asshole!"

"Okay, sabihin mo sa kaniyang pumunta sa Deluxe. Doon na ako pupunta." I said and ended up the call.

Inangat ko ang ulo ko at maya-maya'y pinatunog 'yon. Kinuha ko ang susi ng motor ko pati ang hoodie ko. Agad akong lumabas at naabutan ko pa si Martin na palabas na sana ng pinto ngunit nakita ako.

"Where are you going?" Salubong ang kilay nito habang sinasabi yon.

Hindi ako sumagot at kinuha ang helmet ko malapit sa shoe-rack. Binuksan ko ang pinto nang malaki at naunang lumabas sa kaniya.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now