Chapter 14

60 4 0
                                    

NANG makalipat sila ng mas malawak na condo ay agad itong mga namili ng kwarto. Nagpaalam na agad si Dawn na aalis siya bago pa dumating si Martin.

Kaya naman ito siya. Nakatitig sa puntod ni Director Yef na kanina lang nailibing. Hindi na siya nakaabot pa habang nililibing ito. Laking pasasalamat niya nang walang taong natira rito.

Ganoon naman sa industriya na ito. Kapag wala nang nakatutok na camera ay wala na silang pakialam.

Director Yef is the only one who sees her. He's just like a father to her. Ito ang kauna-unahang nakakita ng talentong mayroon siya sa industriya na ito. Dahil karamihan sa mga tao ay nakikita siya nilang Jayden Dawn at hindi bilang Jiyuri Dawnysus.

"I'll make him pay, Director... I'll make him pay," naninigurong sambit niya habang nakatitig sa puntod nito.

Nakaupo lamang siya sa gilid nito at sakto namang malilim at maraming punong nakapaligid kaya hindi maaraw.

Wala sa sariling napahiga siya upuang mahaba na naroroon. She sighed. Hanggang kailan ako magpapanggap na ikaw, Jayden? Hanggang kailan ako makukulong sa buhay na hindi ko kailanman pinangarap?

Napapikit si Dawn. A lone tear fell from her eyes. Sadyang pagod siya at maski punasan ang luha niya ay hindi niya magawa. Ang isang butil sa magkabilang mata ay mas nadagdagan pa. Naging sunod-sunod ang pagtulo nito.

'Hanggang kailan ako makakalaban? Hanggang kailan ako maghihirap sa buhay na hindi ko ginusto? Hanggang kailan.. ako matitigil sa buhay na ganito?'

Pagak siyang natawa. 'Ano bang laban ang pinagsasasabi ko? Wala naman laban na magaganap dahil wala naman akong pinaglalaban. Anong paghihirap ba ang tinutukoy ko? Eh halos buong buhay ko yata wala akong natamasa kundi paghihirap.'

Nanatili siya sa ganoong posisyon at mas mariing pinikit ang mga mata.

"No... No! Don't put tattoos!" nag-umiyak si Dawn at pumipiglas habang nakatingin sa kaniyang ina. "Lady Shi! Lady Shi! Help me!"

"You are born to have that, Dawnysus," malamig nitong tugon. "You'll be the highest. You'll be the boss of the bosses."

Nagsumigaw at umiyak lamang si Dawn nang simulan na ang pagtatattoo sa kaniya. Wala siyang ginawa kundi umiyak at sumigaw sa sakit habang nilalagay yon dahil makatali siya sa isang upuan. Makapal na lubid ang yumayakap sa kaniya kaya naman wala siyang magawa kundi magpapadyak lang. Halos dalawang oras siyang umiyak at humiyaw dahil bata pa siya. Sampung taon lamang... Bata pa ang isip at katawan niya upang lagyan ito ng mga markang ginawa sa kaniya.

At nang matapos ang pagmamarka sa kaniya ay tumayo siya at nanalamin. Doon nawalan ng emosyon ang kaniyang mga mata ngunit ang mga luha ay patuloy pa rin ang pagpatak.

Nasa likod niya na ang ina niya at walang emosyon din siyang tinitignan.

"Yakuza tattoos. Those show who you are. Don't let anyone underestimate you or even put their foot on you. You're above the boss, Jiyuri Dawnysus."

Nanatili siyang tahimik. Sinalubong niya ang mga paningin ng ina niya.

"We will continue the tattoo session tomorrow. The tattoo will be on your arm-"

"I can let you put tattoos on my body but not in the arms and legs. Only in chest and back." putol niya sa ina gamit an ma-awtoridad na boses.

Lady Shi sighed and left her in that room.

Tinitigan niya pa ang sarili at ilang minuto, nagbihis ito bago lumabas ng silid na 'yon. Sa bawat kwartong nadadaanan niya ay may nagsusumigaw sa sakit at hirap na nadarama.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora